in

NAG-IISANG ASIAN AT FILIPINO ARTIST, LUMAHOK SA TREVISAN INTERNATIONAL ART EXHIBIT SA FERRARA ITALY

Masaya at maingay ang pormal na pagbubukas ng 2010 Trevisan International Art o T-I-A “ Creative Energy” exhibit na ginanap sa Castello Estense, Ferrara, Italy.

Sinalubong ng banda ang mga art exhibitors na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan naging mainit din ang pagtanggap ng organizer sa mga artists at mga bisita. Ikinatuwa din ng organizing committee ang pagdalo ng Konsulado ng Pilipinas sa Milan sa pormal na pagbubukas ng exhibit noong nakaraang Oktubre.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang Filipino artist ang naimbitahan sa taunang T-I-A  exhibit. Ayon kay  Paola Trevisan, curator/organizer ng T-I-A,  aksidente lang niyang nakita ang website ng Filipino artist na si Maria Pureza Escano ngunit  humanga siya sa istilo ng pagguhit nito.

“I see her website by chance and I was impressed by her style because, even if she works with a kind of figurative, she’s very special, she’s original and it’s very difficult to find it in figurative style, usually it’s a classist style, so I was impressed by her personal style”

Si Escano  na isang self-taught artist ay nagmula sa Sariaya, Quezon.  Nagsimula siya’ng gumuhit  sa edad na siyam matapos makakita ng isang libro ng French impressionists. Naging  inspirasyon nya sa kanyang pagpinta ang magandang kapaligiran at mayaman na kulturang nakagisnan noon kanyang kabataan.

Nagsimula si Escano gumawa ng pangalan sa global art scene  bilang notable figurative at  surreal artist matapos ang phenomenal success  ng dalawang show nito sa kilalang ICO Gallery sa New York noong nakaraang taon.

Para kay Escano, ang pagkakalahok sa “Creative Energy” art exhibit ay hindi lamang isang malaking karangalan kundi isang malaking oportunidad dahil napakahirap umanong pasukin ang European art scene. May mensahe din si Escano sa mga young Filipino artists, “Id like to inspire young filipino artists to work hard for their dreams because if they have faith in themselves and in God and if they worked hard for their dreams, nothing is impossible”  

Bukod  sa paintings, may mga sculptured masterpieces din ang ini-exhibit.
Ang Trevisan International Art na nabuo noong 2003 ay kinabibilangan ng mga magagaling na artists  na taunang naglulunsad ng  exhibit sa Castello Estense sa Ferrara at iba pang dako ng Italya.  Layunin nito na magkaroon ng matatag na inter-active network sa mga miyembrong artists upang pag-isahin ang magkakaibang talento at kultura mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ngayong taon, apatnapu’t limang artists mula sa iba’t ibang bansa tulad ng New Zealand, Australia, Canada, Bulgaria, Philippines, Hungary, Denmark, Israel, The Netherlands, United States, Norway, Italy, United Kingdom, Cyprus, Belgium, Germany, Austria, Switzerland  at iba pa ang lumahok sa exhibit. ni Zita Baron

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian language exam, kailangan na!

Itigil na ang pulitika ng takot