Naganap sa pagitan ng istasyon ng Bologna Corticella at Castelmaggiore. Nakita diumano ng makinista ang pagtalon ng binata sa riles.
Bologna, 20 Hunyo 2013– Na-delayed ang mga tren ng Bologna-Padova, dahil sa pagkakasagasa sa isang binata kahapon bandang alas 4 ng hapon sa pagitan ng sitasyon ng Bologna Corticella at Castelmaggiore, sa probinsya ng Bologna.
Ayon sa mga report, naganap ang insidente isang kilometro lamang pagkalagpas ng istasyon ng Corticella: ang bikitima ay napag-alamang regular sa Italya. Gayunpaman, ayon sa makinista ay nakita diumano ang pagtalon ng binata sa riles habang papalapit ang tren. Kasalukuyang iniimbistigahan ang mga tunay na kaganapan sa likod ng mga pangyayari.
Upang masimulan ang imbestigasyon kahapon ay sinuspinde ang parehong direksyon hanggang bandang alas singko ng hapon. Naapektuhan din ang linyang Venice-Rome ng nasabing suspensyon.