Binuksan ng Embahada ng Pilipinas sa Roma ang New Releasing Section.
Roma – Pebrero 13, 2013 – Simula Pebrero 11 ang mga pasaporte at mga dokumento ay maaaring i-claim sa New Releasing Section ng Embahada na matatagpuan sa entrada ng Embahada, (katabi ng Office of the Labor Attachè) simula 1:30 hanggang 5:00 ng tanghali, Lunes hanggang Biyernes.
Kaugnay dito, ay inanunsyo ng Embahada ng Pilipinas sa pamamagitan ng website nito, ang step-by-step procedure ukol sa releasing ng mga dokumento.
Ayon sa website, para sa mga pasaporte ay maaaring sumangguni sa listahan ng mga pangalang matatagpuan sa bulletin board sa pavillion o sa website ng Embahada.
Samantala, para sa ibang mga dokumento naman ay ipinapaalam na maaaring iwanan ang official receipt sa drop box sa Releasing section. Maghintay sa Pavilion at magtungong muli ng Counter matapos lamang tawagin.
Ipinapaalala na mangyaring suriing mabuti at siguraduhing tama ang mga impormasyon/datos sa pasaporte at dokumento bago tuluyang lisanin ang Embahada.
Gayunpaman, isang authorization letter at kopya ng dokumento ng authorized representative ay hinihingi sa sinumang hindi makararating upang i-claim ang mga nabanggit na dokumento.