in

Noli Me Tangere at El Filibusterismo, isinalin sa wikang Italyano!

altRome – Taong 2003, isinalin ni Vasco Caini sa wikang Italyano ang nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo. Mga nobelang isinulat ng Pambansang bayaning si Jose Rizal sa maraming wika tulad ng pranses, espanyol at ingles na syang nagmulat sa kaisipan ng mga Pilipino at nagpalaya sa mga ito sa kolonisasyon ng mga Kastila noong unang panahon.

“Para sa akin maihahambing si Jose Rizal kay Dante Alighieri o kay Garibaldi o maaaring mas higit pa sa dalawang mahahalagang taong tulad nila dahil sa naging determinasyon para sa kalayaan ng sariling bansa ng walang pinaslang na sinuman”, mga pangunguasap ni Vasco Caini sa isang panayam nito matapos ilabas ang dalawang nobela sa wikang Italyano.

“Maraming beses ang ako’y bumisita sa bansang Pilipinas, at naging ganap ang aking paghanga kay Rizal na syang nagtulak sa akin upang isalin ito sa wikang Italyano. Nais ko ring ipakilala sa mga Italyano ang isang bayani ng lahi, na maaari nilang masaksihan sa Piazza Manila, Rome ang monumento nito at iniaalay ko para sa mga Pilipino maging sa aking mga kababayang Italyano ang website www.rizal.it upang kanilang masaksihan ang pagiging bayani ni Rizal sa makabagong panaho”.

Kahapon, ika 19 ng Hunyo, sa okasyon ng ika-150 anibersayo ng kaarawan ng bayani ay pinagkalooban si Vasco Caini ng parangal sa ginanap na pagdiriwang sa Piazzale Manila Rome sa malaking kontribusyon nito sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa bansang Italya.

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Canto del Viajero by Jose Rizal

PNoy – “Hindi mangyayari sa ilalim ng aking administrasyon na maihimlay si Marcos sa Libingan ng mga Bayani”