in

OAV registration, hanggang Oct 31 na lang!

Gamit ang pasaporte o anumang valid document ay maaaring magparehistro hanggang Oct 31 sa Embahada o Konsulado. Voter’s Registration form ipadadala ng COMELEC simula Enero hanggang Pebrero 2013.

Roma, Oktubre 18, 2012 – Sa ilalim ng Republic Act No. 9189, kilala bilang “The Overseas Absentee Voting Act of 2003”, ang mga overseas Filipinos ay maaaring bumoto sa nalalapit na halalan ng Senators and Party-List Representatives sa Mayo 2013. Dahil dito, ang lahat ng mga kwalipikadong Filipino na hindi pa rehistrado bilang botante, sa ilalim ng Republic Act No. 8189 kilala bilang “The Voters Registration Act of 1996,” ay kinakailangang magparehistro.

Batay dito, ang voter's registration sa Italya ay sinimulan noong Oct 31, 2011, sa pamamagitan ng Embahada/Konsulado at magpapatuloy hanggang sa Oct. 31, 2012 na lamang. Kinakailangan lamang ang pasaporte o isang valid document na magpapakita ng inyong buong pangalan, araw ng kapanganakan, at larawan.

"There will be NO EXTENSION after October 31, 2012 as we already need to finalize the number of ballots to be printed.” pagpapa-alala ng Comelec. Ang mga voter’s ID ng mga aprobadong registrant ay ipadadala ng COMELEC diretso sa nakasaad na address sa voter’s registration form simula Enero hanggang Febrero 2013.

Maaari ring i-check at ipa-update sa embahada ang inyong registration status. Kailangang din i-reactivate ang registration ng isang botante na hindi nakaboto sa nakaraang dalawang (2) magkasunod na election. Kung kayo ay may pag-aalinlangan sa inyong registration magtungo lamang sa OAV Section ng embahada or konsulado ng Pilipinas.

Noong nakaraang Presidential election mayroong mahigit sa 13,500 ang nakatalang registradong botante sa buong Italya, habang sa kasalukuyan  ay nasa bilang na 17,000  (Rome at Milan ) na ang  nagparegistro ngayong 2011-2012 , kung saan ay 90% rito ay mga “first timer” na OAV registrant.

Samantala, noong mga nakaraang buwan, binisita ng OAV team ng Embahada ang Cagliari, Pisa, Reggio Calabria at Florence upang mabigyan pagkakataon ang mga kababayan natin na makapagrehistro at makaboto. Sa ika 27-28 ng Oktubre bibisitahin naman  ng OAV team ang Bari.

Ang 30 araw na botohan overseas ay magsisimula mula April 13, 2013 hanggang hapon ng Mayo 13, 2013 sa Embahada.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Roma sa numero 06 39746621 loc. 208 at sa mga sumusunod na konsulado:

Milan PCG:  02 43911229  –  Via Stromboli no. 1, Milan

Firenze HC:  05 54628848  –  Via Cosimo Rodolfi n.2, Firenze

Reggio Calabria:  09 6528327  –  Via Galileo Galilei 7, Reggio Calabria

 

OAV Registration flyer 1

OAV Registration flyer 2

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Hindi isang flop, binigyan ng karangalan ang 135,000 imigrante” – Riccardi

Narito kung paano sundan ang proseso ng aplikasyon sa sanatoria online