Sa nalalapit na 2019 polls para sa Senado, House of Representatives, maging sa provincial governors hanggang city/municipal councilors, mga gobernador, vice governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao at mga miyembro ng regional legislative assembly sa ARRM, mahigit 2,329 mga OFW sa Milan at North of Italy ang nag-parehistro simula noong December 2016 hanggang September 2018 base sa datos ng Philippine Consulate General in Milan.
Sa huling araw ng registration ayon kay PCG Milan Consul General Irene Susan Natividad, 87 OFWs ang nagparehistro hindi lamang sa Milan kundi pati sa iba’t ibang lugar kung saan isinagawa ng PCG Milan ang kanilang Mobile Consular services.
“65 ang dumating sa Consulate sa last day ng filing, at 25 ang nagpunta sa ating mobile consular service sa Modena noong Sabado at Linggo, so 87 ang bilang sa last day ng registrants natin”, ayon kay ConGen Natividad.
Hindi lamang mga tiga Modena ang nagtungo sa nasabing services kundi may mga kababayan tayo mula sa Emilia Romagna ang nagtungo doon.
Ang mga tiga Torino at Verona naman ay dumayo sa Milan upang humabol sa last day ng voters registration.
Wala umanong natanggap na anumang reklamo ang PCG Milan mula sa mga OFWs maging sa kakulangan ng kanilang mga dokumentong ipinakita bago magparehistro. At kung nagkaroon man ay agad nilang inaksiyunan ito sa pamamagitan ng paghingi ng anuman dokumentong dala ng mga Ofw.
“Itong pagrerehistro naman, hindi tayo humanap ng valid permit to stay sa Italy, basta may pasaporto sila, nagpunta sila dito o doon sa ating mga mobile services, kinunan sila ng biometrics at iairerehistro sila”, dagdag pa ni ConGen.
Kung kayat hindi nagkulang ng paalala ang onsulate ng Milan sa mga Ofws maging sa mga consular services nila, maliban sa mga renewal ng passports at iba pang mga importanteng dokumento ay naroroon din ang OAV o Overseas Absentee Voters Registration section.
Sa kabila nito, sinabi din ni PCG Milan Consul Manuel Mersole Mellejor na pagkatapos ng application for voter’s registration ay sinusuri nilang mabuti ang mga ito ng sa ganun ay maisama sila sa registered voters list.
“Since tapos na ang period of voters registration this month pinoprocess natin ang mga applications ng voters para naman maaprubahan ng ating electoral registration board, bago naming maisama sa voters list”, ani Consul Mellejor.
Sa mahigit 120,000 mga OFW’s sa Milan at North of Italy na may kabuuang higit 170,000 Ofws sa buong Italy, inaasahan ng Konsulado ng Milan na magiging mapayapa at matagumpay ang darating ng 2019 elections at sila pa rin ang itatalaga ng COMELEC bilang mga deputized election officers.
Chet de Castro Valencia