Alinsunod sa resolusyon ng COMMISSION ON ELECTIONS (COMELEC) En Banc, pinalawig ng dalawang linggo pa ang pagpaparehistro para sa pagboto sa ibang bansa. Ang pagpaparehistro ay hanggang sa ika-14 ng Oktubre, 2021, sa halip na Setyembre 30, 2021.
Ipinaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Roma na ang mga aplikante ay maaaring magtungo sa Embahada mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon upang makapagparehistro. Dalhin lamang ang kopya ng kanilang I-Rehistro application form, pati na ang pasaporto. Ang mga nakapagpa-appuntamento ay bibigyan ng prayoridad. Ang mga aplikante na walang dalang i-Rehistro form ay tatanggapin matapos masilbihan ang mga may dalang form.
Upang magkaroon ng I-Rehistro form, gamitin lamang ang link na ito: https://irehistro.comelec.gov.ph/irehistro/ovf1. Sundin lamang ang pamamaraan sa nasabing website. i-print, ikompila at dalhin sa embahada.
Sa Konsulato ng Milan naman ay mula ika-9 ng umaga hanggang ika-1:30 ng hapon. Dalhin lamang ang pasaporto, carta d’ identita at kung dual citizen, ang Oath of Allegiance, Order of Approval at Identification Certificate.
Magparehistro at bumoto. (Dittz Centeno-De Jesus)