Makakaboto sa nalalapit na national at local election ang mga ofws na hindi bumoto noong nakaraang 2007 at 2010.
Rome – Abril 8, 2013 – Sa pamamagitan ng Resolution No. 9653 ng Comelec, ang sinumang rehistradong ofws na hindi bumoto sa nakaraang 2007 at 2010 elections ay may pagkakataong ipahayag ang kanilang pagnanais na bumoto sa nalalapit na national at local election.
Ayon pa sa resolusyon, ito ay upang pahabain ang panahon sa pagsusumite ng ‘manifestation of intent to vote’ hanggang sa huling araw ng eleksyon.
Maaaring magtungo lamang ang mga OAV voters na hindi nakaboto sa nakaraang dalawang eleksyon sa Philippine Embassy sa Roma o sa Philippine Consulate General sa Milan (kung saan rehistrado), upang personal na ipahayag ang ‘intent to vote’ at pirmahan ang blank OAVF no. 2A. Mangyaring magdala lamang ng anumang identification card na may litrato upang muling makaboto hanggang May 13, 2013.
Ang listahan ng mga OAV voters na hindi nakaboto sa nakaraang dalawang eleksyon ay maaaring matagpuan sa websites:
http://www.comelec.gov.ph/oav/uploads/pdf/oav_lists/FailedToVoteTwice.pdf
http://dfa-oavs.gov.ph/images/pdf/failedtovote.pdf
Samantala, ang Overseas Voting para sa 2013 National and Local Elections ay sa nalalapit na April 13 hanggang May 13, mula alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Ang Embahada ng Pilipinas ay sumusunod sa pamamaraan ng Postal Voting,tulad ng nasasaad sa website ng Embahada, kung saan ang electoral mails na nagtataglay ng mga official ballots at ilang gamit sa pagboto ay ipinapadala sa tirahan ng botante sa pamamagitan ng koreo o sa ilang pagkakataon naman ay maaaring personal na kunin ng botante sa Embahada. Matapos ipahayag ang boto sa balota, ay maaaring ipadala ng botante sa pamamagitan ng koreo o personal na dalhin sa Embahada hanggang sa Mayo 13, ala 1 ng tanghali.
Gayunpaman, ipinapayo magtungo lamang sa Embahada Pilipinas sa Roma o sa Philippine Consulte General sa Milan sa anumang pagkaka-antala ng mga balota sa koreo.