Rome – Daan daang mga Pinoy ang dumagsa sa OFWinner caravan ng Filinvest dito sa Roma na ginanap noong Hulyo ngayong taon. Dumayo ang maraming mga kababayan mula sa kalapit bayan, mga kaanib ng ibat ibang asosasyon, socio-civic at religious groups, mga negosyanteng Pinoy, at opisyales ng Embahada ng Pilipinas.
Nagkalat sa bawat sulok ng venue ang mga banderang OFWinner, simbolo ng tagumpay ng mga Pilipinong nagtratrabaho sa buong mundo. Ang lahat ng imbitado kasama ang lahat ng pangkat ng Filinvest Roma ay sabay sabay namang inilunsad ang OFWinner Ako Campaign na nagpapamalas ng kahusayan ng bawat Pilipino at itaas ang kanilang panloob na kagalingan.
Bagamat bago sa pandinig ng mga tao ang inspirational speaker na si Francis J. Kong ay mainit pa ring tinanggap ng mga Pinoy dito ang OFWinner caravan. Positibo ang naging reaksyon ng mga dumalo at ipinahayag nila ang taos-pusong pasasalamat sa Filinvest sa pagdadala kay Francis Kong dito sa Europa. Ito daw ay isang biyaya dahil sila ay nabigyan ng labis na kaalaman kung paano harapin ang mga personal o pinansyal na problema.
Buo naman ang suporta ni Pangulong Noynoy Aquino sa campaign dahil ito ay naglalarawan ng pagkakaisa ng lahat ng mga Pilipino kahit sila ay naninirahan abroad. “Ang kampanya ay isang espesyal na pagkakataon para maibahagi ang ating kulturang kinagisnan na may mahalagang kaugnayan sa Europa, kung saan naninirahan at naghahanapbuhay ang karamihan ng mga Pinoy.”
Ang OFWinner Caravan ay isa sa mga makabuluhang proyekto ng Filinvest International para sa kapakanan ng mga OFW. Layunin nito na imulat ang kamalayan ng bawat OFW sa kahalagahan ng paghahanda sa kinabukasan sa pamamagitan ng programang Bahay Panghanap-buhay na ngayon ay libu-libo na ang nakikinabang. (by: Cheryl Lambatin)