Isang Japanese Restaurant na pag-aari ng mga Filipino. Matatagpuan sa Via Montevideo 2A sa Turin Italy.
Janette Lacuin-Recio, 38 yrs old at ang kanyang asawa na si Arnel Recio, 42 yrs old, isang video-tv techinician for samsung repair service center sa Turin at sa kasalukuyan ay nangangalaga ng Administrative work ng OISHI. Partners nila si Reynaldo Burgos, 45 yrs old at nagtrabaho sa Japan ng 14 yrs bilang isang chef sa KISHO restaurant at ang kanyang maybahay na si Myra Talain.
BILANG OWNER NG OISHI-SUSHI RESTAURANT, BAKIT ISA PONG JAPANESE RESTAURANT ANG NAISIPAN NINYONG BUKSAN AT HINDI ISANG FILIPINO RESTAURANT?
Japanese take -away kasi nagkataon na ang kasosyo namin ng asawa ko ay may malaking experience sa ganitong uri ng trabaho, ang pagsusushi. Dito sa Italia, nakita ko na tanggap ng mga tao ang ganitong tipo na kainan. Ang pinoy food kasi halos nailuluto na ito sa mga bahay-bahay at para sa mga Italiano heavy ang ating cuisine. Kaya hindi ko naisip na magtayo ng pinoy restau.
NAGING MAHIRAP PO BA PARA SA INYO ANG PAGBUBUKAS NITO? MULA SA PAG-AAYOS NG NAPAKARAMING DOKUMENTASYON HANGGANG SA FINANCIAL NEEDS NG RESTAURANT?
Naging mahirap din kasi napaka mabubusisi ng mga offices at authorities sa pagkuha ng license to open an activity here lalo na’t estranghero kami. Ang financial issue naman ay nagawan ng paraan since partnership ito. Isinama naming ng husband ko an gaming savings at nagloane din kami sa bangko.
ANO PO ANG NAGBIBIGAY LAKAS LOOB SA INYONG PAKIKIPAG SAPALARANG ITO?
Ang oppurtunity…. Minsan lang kumatok ito kaya i took the risk kahit noong una may alinlangan ang asawa ko. Pero dahil buo ang loob ko at desidido na magnegosyo. Ang mga ito ang nagtulak sa amin na paniwalaan ang pakikipag sapalarang ito.
ANO NAMAN ANG NAGPAPAHINA NG INYONG LOOB SA PANAHONG NG KRISIS? PAANO NYO ITO HINAHARAP?
Bukang bibig ng mga tao ang “krisis” may nakakaramdam at pinaguusapan, pero ako ayaw kong isipin ang krisis. Kasi ang pagkain ay isang basic needs. Para sa akin, naniniwala ako na may mga nagugutom, may mga gustong umusyoso, may mga mahilig sa light at healthy food, fresh/raw, may mga gustong maging “in” using chopstick. May market kami na matatawag, kasi po ay nasa university zone kami, kaya di kami dapat mapanghinaan ng loob.
HADLANG BA PARA SA INYO ANG PAGIGING ESTRANGHERO SA BANSANG ITALYA UPANG MAGING MATAGUMPAY SA ISANG BUSINESS? ANG ITALIAN LANGUAGE, HADLANG DIN PO BA ITO?
Basically Oo. Pero sa aking paniniwala kung ang isang tao ay tapat sa kanyang trabaho, gusto ang ginagawa niya, ay malayo ang mararating. Sa Italian language, para sa amin ng husband ko, hindi mahirap kasi nakatapos kami ng scuola media dito noong 2007.
PAANO PO SINALUBONG NG ITALIAN COMMUNITY ANG INYONG RESTAURANT? NG ATING MGA KABABAYAN’? Ang pagtanggap ng Italian community, maayos din naman kasi noong nagbukas kami ng Aug 2010 bakasyon pa nila, pero dahil bago ang tindahan, pinasok na nila, tinitingnan at tuloy na sinusubukan na ang aming produkto. Ang mga pinoy naman, malaki ang suporta sa amin; marami rin kaming kakilala, pati mga relatives ng asawa ko ay pinagyayayaya ko talaga at pinagmamalaki ang aming sushi-sashimi store.
BILANG ISANG JAPANESE RESTAURANT, NAII PROMOTE NYO DIN PO BA ANG ATING KULTURANG PINOY? SA ANONG PARAAN PO?
Kulturang pinoy…..siguro ang pagigiging pinoy ko.(my being) Ako’y Pilipino na ang tinda ay Japanese food para sa mga tao ng Italia.
MAY MAIIWAN PO BA KAYONG MENSAHE SA MGA READERS NG AKO AY PILIPINO?
Sa mga readers po ng newspaper na ito…. Sa ating mga pangarap tayo mag simula, lakas ng loob na subukan ang ating gustong ikakaangat sa buhay at ipagmalaki natin ang pinoy ay magaling na lahi….salamat po.