Nakapag-uwi ng anim (6) na gold, dalawa (2) silver at isa (1) bronze ang koponan ng OKINAWAN KARATE CLUB ROMA sa naganap na 27th European Fudokan Sports Karate Championship sa Podcetrtek, Slovenia.
Ang Okinawan Karate Club Roma ay isang Karate/Martial Arts School sa Rome, Italy na pinamumunuan at pinamamahalan ng mga Pilipinong nagtuturo ng halaga ng paggalang, disiplina at pagtitiwala sa sarili. Ito ay itinatag noong 2002 ni Maestro Patricio Ramos Chief Instructor. Ang kanyang mga kasamang mga tagapagturo Co-Instructor ay sinaJohhny Africa, Rey Silang, Gabby Maniebo, Nick Mendoza, Greg Baiola, Panoy Tolentino, Kevin Olivera, Roel Silang at Cecil Mercado.
Ang mga nagwagi ng mga medalya ay sina Sarah Jane Garcia – GOLD Kumite all belts senior catergory, John rave Panganiban -GOLD kumite All belts Cadets category, Naethan Gabriel Sablay – GOLD Kata at SILVER kumite all belts juvenile Category, Francesca Farro – GOLD kata at GOLD Kumite Children B category All belts, Sofia Barrion – GOLD kumite at SILVER Kata Children B category All belts Zac Gabriel Ubaldo – BRONZE Kata children A Category All belts.
Marami pang mga karangalan at mga medalyang napanalunan ang mga kabataan ng koponan. Nabingwit nila ang 2nd place OVER-ALL sa nakaraang FKI COPPA ITALIA, sa nakaraang 9th WORLD FUDOKAN KARATE CHAMPIONSHIP naman ay nagwagi ng GOLD si Francesca Farro, SILVER si John Rave Panganiban at marami pa ang nag-uwi ng Bronze. Si Alexea Gayle Valdez naman ay nakamit ang GOLD at si Aexel Gabriel Valdez naman ay nanalo ng SILVER nuong nakaraang Coppa di natale Federazione Karate Italia. Ilan lang sila sa mga nagtagumpay at nagbigay ng mga medalya sa Okinawan Karate Club Roma.
“Napakahalagang maibahagi ko ang aking kaalaman sa Martial Arts at Self Defense. Mailayo sa masamang bisyo at sobrang paggamit ng gadgets ang mga kabataan. Mapanatili ang kalusugan, malakas ang resistensya at may masiglang pangangatawan hanggang sa pagtanda. Mahubog ang mga kabataan sa tamang pag-uugali, may disiplina, marunong rumispeto at magkaruon ng tiwala sa sarili at makilahok sa mga paligsahan ng Karate at ipakita ang husay at pagiging isang tunay na manlalaro (Skills and Sportsmanship)” – ito ang panuntunan at adhikain ni Maestro-Founder Patricio Ramos.
Sa Oktubre 2024 ay mapapasabak na naman ang koponan sa isang Torneo na gaganapin sa Lanciano, Italy. Ating suportahan ang mga kabataang Pilipinong karatista ng OKINAWAN KARATE CLUB ROMA. (ni: Teddy Perez)