in

One Big Family, nagpakitang gilas sa Kid’s Got Talent

Hinangad ipakita at ipagmalaki sa publiko ng anim na mga kabataang ipinanganak sa Milan ang sariling kultura.

 

Milan, Disyembre 19, 2016 – Sa pagsisimula ng Kid’s Got Talent ni Claudio Bisio sa Sky TV noong nakaraang Dec 11, ay kasamang nagpakitang gilas ang One Big Family.  

Ang grupong “One Big Family” ay binubuo ng mga mag-aaral ng VIP Dance school at Learn and have fun with music nina XP at Laarni de Silva sa Milan. 

One Big Family sono milanesi di nascita e filippini di origine: ed è proprio al Paese dei loro genitori che vogliono rendere omaggio sul palco di KidsGotTalent”, mababasa sa website ng Kids Got Talent. 

Hinangad ipakita at ipagmalaki sa publiko ng anim na mga kabataang ipinanganak sa Milan ang sariling kultura. 

Kanta na Pilipinas ang inawit nina Monica Mae de Silva, Ellen Joyce Benliro, Mary Claire Mercado, Hazel Gwen Mendoza, Jordan rem Colubong, Mikko James Nolasco. At kasama rin ang flashmob kids and Mommies sa pagsasayaw. 

Ang nabanggit na talent show ay esklusibong nakalaan sa mga batang may edad mula 4 hanggang 11 taong gulang. Ito ay hindi isang paligsahan at ang mga kabataan ay hindi huhusgahan ng sinumang hurado bagkus ay buong buong ipapamalas ang kanilang talento sa pamamagitan ng orihinal at hindi mapapantayang performance. 

At bago tuluyang magtapos ang unang gabi ay nakisaya at naki sayaw pa ang host na si Bisio, bukod pa sa publiko sa mga nag-perform na mga kabataang Pilipino. 

Para sa buong video, i-click ang link na ito. 

 

ni: PGA

larawan: Kids Got Talent

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

VIP Dance Concert III tagumpay!

Isang kabataang Pinay sa Turin, nagwagi sa Una Canzone per Sognare