Muling pinasigla ng pederasyon ng FASCURAI (Filipino Amateur Sports, Cultural and Recreational Association Italy) ang mga manlalaro sa matagal na pagkakapahinga sa idinaos na One-day Basketball League noong nakaraaang May 5.
Ang FASCURAI ay pederasyon na binubuo ng Napoli, Caserta, Salerno, Cosenza, Catanzaro, Reggio Calabria, Messina, Giarre at Catania na pinamumunuan ng Presidente na si Romy Lafuente at Bise Pres Nancy Arenas.
Ang isang araw na palaro ay nilahukan ng 6 na grupo mula da FASCURAI-ACF Messina sa pamumuno ni Pres. Miriam Macabeo, FASCURAI- Reggio Calabria sa pamumuno ni Pres. Carmen Perez, FASCURAI-FWAC Cosenza sa pamumuno pansamantala ng coordinator Albert Pasahol, FASCURAI- AFUS Salerno sa pamumuno ni Pres. Nancy Arenas, FASCURAI-PGBI Napoli at nagkaroon pa ng 1 grupo mula sa Cosenza sa pamumuno ni Runivhel Villanueva at Jessrick Castillo upang mabuo ang 6 na grupo.
Naging matagumpay ang nasabing palaro at nagwagi ang FASCURAI-Reggio Calabria bilang Kampeon, unang pwesto ang FASCURAI-ACF Messina, 2 pwesto ang Salerno, 3 pwesto ang Batang Cosenza, 4 pwesto ang Napoli, 5 pwesto ang FWAC Cosenza.
Mitical 5 sina Yujin Gele at Christian Cuya ng Reggio Calabria, Paolo Arago at Erick Macalalad ng Messina at Neil Landicho ng Salerno. Best in 3 points si Christian Cuya, MVP naman si Yujin Gele at ang Sportsmanship Award naman ay nakamit ng Salerno.
Sa pagtutulung-tulong ng mga opisyales ay naisaayos nang matagumpay ang palaro. Salamat sa mga taga FWAC Cosenza na naging tahanan ng palaro sa pamamagitan ni coordinator Albert Pasahol at Chairman Absalon-bobby Tubojan at mga opisyales.
Ang palarong ito ay masusundan sa Hulyo na gaganapin sa Catania sa pamumuno ni Pres. Leni Vallejo Pagilagan.
Marami pang hihintayin na mga aktibidad ng Fascurai. Masigabong palakpakan sa lahat ng opisyales, myembro at manlalaro na bumubuo sa pederasyon. (Carmen Perez)