Matagumpay na nairaos ng RAM-Italy o Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa ang One Day Bowling Tournament para sa kanilang “Mass feeding Program Project” noong nakaraang Aprile 22, 2019 sa Tiam Bowling Roma.
Sinimulan muli ng grupo ng RAM sa pamumuno ni Nazareth Larido ang kanilang proyektong pagpapakain ng mga mag-aaral sa mga napipiling paaralan sa Pilipinas. Marami na silang mga nakaraang Feeding Program sa iba’t ibang lugar. Ang pawang mga miyembro ng RAM ang nagsasagawa ng proyekto sa pakikipagtulungan ng mga kaibigan at kagrupo sa Pilipinas.
Nilahukan ng mga Bowlers at mga Non-Bowlers ang nasabing palaro at nakamit ni Jimmy Saguinsin ang pinakamataas na puntos ng mga Bowlers, pumangalawa si Joel Dimasupil at pumangatlo si Eugene Longakit.
Ang may pinakamataas na puntos sa isang laro ay si Avelino Rendon. Sa Women’s Division naman ng Bowlers, ang naging kampeon ay si Remy Quejano, 2nd si Fe at 3rd si Cristin Lin at si Fe ang nagtamo ng may pinakamataas na puntos sa isang laro.
Sa Non Bowlers naman ay si Liza de Ocampo ang naging kampeon, pangalawa si Art Belarmino at pangatlo si Yolly Manuit at si Liza de Ocampo naman ang may pinakamataas na puntos sa isang laro.
Nagpapasalamat ang bumubuo ng RAM-Italy sa mga naglaro at sumuporta sa liga. Nagkamit ng mga medalya ang mga nagwagi at may sobre din naman ang mga kampeon. Ilan sa mga pinasalamatan ng grupo ay sina Daniel Dayap, Daisy Solomon, Baby Figueroa, Raf Antolin, Gina Malabrigo, Tem Ramos, Marlon Mercado at sa tulong at pag-aasikaso ng palaro, sila Randy Fermo, Norie Ignaco at Sonia de los Santos
Sisikapin ng RAM-Italy na magkaroon pa ng maraming proyektong Mass Feeding Program at makapaghatid ng saya sa mga mag-aaral sa Pilipinas. Sa kasalukuyan ay pinag-uusapan na ng grupo kung saang paaralan isasagawa ang nalalapit na “Mass feeding Program”
ni: Teddy Perez