in

One-day league sa South Italy, hatid ng FWAC

FWAC, pinangunahan ang one-day league na ginanap sa Cosenza Reggio Calabria. 

 

Reggio Calabria, Disyembre 10, 2015 – Nag-organisa ng 1 araw na Liga ang Filipino Workers Association of Cosenza o FWAC sa Cosenza Reggio Calabria.

Pinangunahan ni Founder-Chairman Absolon Bobby Tobojan, President Jhun Rafanan, League Commissioner Aga Valdez at Asst. Commissioner Rey Lozano ang nasabing palaro nitong Nobyembre.

Bukod sa layuning palawigin ang pagkakaibigan, pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pilipino sa South Italy nais rin ng organizers na lalong paunlarin, palakasin at hubugin ang mga kabataan sa ibat-ibang larong Pilipino.

Nilahukan ito ng ibat-ibang asosasyon tulad ng FWAC Cosenza, Sampaguita Group Cosenza, G-Force Cosenza, S.M.G. Dreamers Messina, Gafic Catanzaro at taos pusong suporta ang Comunita Filippine South Italy (ang former Mission Driven South Italy 1).

Matagumpay na inuwi ng Messina ang Champion Trophy ng Basketball at Volleyball.

Ang unang pwesto ay nakuha naman ng Sampaguita Cosenza sa basketball at G-Force team naman sa Volleyball; pumangalawa ang S.M.G. Dreamer Messina sa Basketball at FWAC Cosenza saVolleyball; pumangatlo sa pwesto ang Catanzaro sa Basketball at Sampaguita sa Volleyball at naiuwi naman ng FWAC ang ika-apat na pwesto sa Basket at ng Catanzaro sa Volleyball.

Itinuturing na matagumpay ang nasabing paliga sa pagtutulung-tulong ng mga opisyales ng ibat-ibang asosasyon ng South Italy.

Lubos rin ang pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa kanila sa nasabing liga.

ni: Carmen Perez

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OFW Watch Italy 1st Anniversary at Migrant’s Day Celebration, idinaos sa Roma

Pagtaas sa singil ng idoneità alloggiativa, pinawalang-bisa