in

One-Day Service Caravan hatid ng OWWA

Isang One-Day Service Caravan  bilang paggunita sa Labor Day 2012 at pagdiriwang ng ika-30 taong anibersaryo ng OWWA.

altRoma, Mayo 2, 2012 –  Bilang paggunita sa Labor Day ang OWWA  Rome ay nagdaos ng One-Day Service Caravan sa Via Urbana kahapon May 1, kung saan ang nagkaroon ng Medical Mission, Information Dissemination, Delivery of Programs and Services of the Philippine Embassy-Rome, POLO, OWWA, SSS, Pag-ibig at kasama ang mga partner entities nito.  

Ito ay naglalayong tipunin ang mga partners ng OWWA sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon at serbisyo sa makabuluhang Araw ng mga Manggagawa  sa mga Pinoy na maaaring nahihirapang magtungo ng Embahada tuwing weekdays.

Binigyang parangal din ng OWWA Rome ang Ako ay Pilipino, ASLI, Consiglieri Aggiunti, Filipino Nurses Association, Filipino Women’s Council, PIDA, Pilipinas-OFSPES, Protezione Civile- Associazione Volontari Vigili del Fuoco-Roma, Radio Pilipino sa Roma at ang Sentro Filipino Chaplaincy bilang pasasalamat sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga ito sa mga programa at serbisyo ng OWWA para sa ikabubuti ng mga manggagawang Pinoy sa Roma.

alt

Binigyan diin ng pagtitipon ang tema ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng OWWA:“Tatlong Dekada ng SerbisyongTapat at Nararapat!” sa pamamagitan ng pagbabasa ng mensahe ng OWWA Administrator na si Carmelita S. Dimzon, DPA.

Sa ika-30 taong pagbibigay serbisyo sa mga migranteng manggagawang Pilipino sa humigit kumulang 190 bansa sa buong mundo,ipinaaabot ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang isang taos-pusong pasasalamat sa pagbibigay tiwala sa kakayahang mapaglingkuran ang mga ofws sa bawat panig ng mundo.

Naging bahagi ng pagtitipon sina H.E. Ambassador Virgilio Reyes at ang kanyang maybahay, Consul General Grace Fabella, Labor Attachè Viveca Catalig. (larawan ni: Corazon Rivera)

Labor Day Message by Rosalinda Dimapilis-Baldoz, Kalihim DOLE

Mensahe OWWA Administrator Carmelita Dimzon, DPA

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gary V., isa sa mga hurado ng The X Factor Philippines

Jessica Sanchez, napipiling aawit ng “Lupang Hinirang”