in

Open Chess Tournament, pinangunahan ng GMETCAI sa Roma

“Ang buhay ay tulad ng paglalaro ng chess, hindi ka magtatagumpay kung hindi ka magsisimula”

Labinglimang (15) manlalaro ng ahedres, magkahalong mga Pilipino at Italyano, ang nagpalitan ng stratehiya at taktika sa paglalaro ng chess ang nagharap-harap sa 1stOpen Chess Tournament na pinamunuan ng Grand Master Eugene Torre Chess Association in Italy o GMETCAI.

Pinangunahan ni President Benjamin Eclarin at Vice President Luis Salle, kasama ang mga Officers na sinaRey Fernandez (Secretary), Thelma Gaa (Treasurer), Rhovelyn Montero (Asst. Treasurer), Meliros Gangani at Albert Gayo (mgaAuditors) at Helen Getigan, Nick Calbay at MyMy Delco (mga Board of Directors) ang ginanap na tournament sa Mardie’s Canteen Chess Pub sa Via Medaglia d’Oro 109, Roma noong nakaraang Abril 25, 2018.

Kasabay na inilunsad ng torneo ang “PUSH PAWN NOT DRUGS” at hinihikayat ng grupo ang ating mga kababayan lalong lalo na ang mga kabataan na gugulin ang ekstrang oras sa paglalaro ng chess at hindi mahumaling sa mga ipinagbabawal na gamot.

Si Mymy Delco ang tinanghal na kampeon at pumangalawa naman si Antonello Aloiseat pangatlo si Arman Mondares.

Kabilang din sa mga naglaro sina Anthony Gutierrez, Clemente Dolor, Rey Fernandez, Ernesto Ongtioco, Noel Gofredo, Austin Delfino, Nick Calbay, Ronel Puertollano. May mga Italyano rin na nakilahok at nakisaya sa torneo, sina Carlo di Marzio, Giovanni Contieri, Carlo Embassy at Mymy Delco.

Nagkaroon ng tig-iilang laro ang bawat manlalaro at nagkaharap-harap ang mga may matataas na puntos sa huling bahagi ng paligsahan. Binigyan ng 1punto ang panalo – kalahating punto pag tabla – at 0 punto sa natalo. Ang may pinakamataas na puntos na nakamit ang tinanghal na Kampeon ng torneo. Binigyan ng tropeo ang mga nagwagi at isa-isa ring binigyan ng mga medalya ang lahat ng mga manlalaro.

Umaasa ang samahan na marami pang mga makikilahok sa mga susunod pang mga “Chess Tournament” ng grupo. Nagpapasalamat din sa mga sponsors at sa mga nagbigay ng suporta mula sa iba’t ibang grupo ng mga Pilipino dito sa Roma na naging bahagi ng matagumpay na 1stOpen Chess Tournament ng GMETCAI.

 

Teddy Perez

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Refugees bilang mga ‘vigili’ sa Comune di Parma

Updates on Italian Immigration and Labor Laws ginanap sa PCG Milan