Roma, Marso 11, 2015 – Sa pangunguna ng Federation of Filipino Communities and Associations in Italy o FEDERFIL-ITALY ay naisakatuparan ang Awarding Ceremonies ng Search for Outstanding Overseas Filipino Workers in Italy nitong Marso sa Roma. Layunin ng nasabing okasyon na bigyang parangal ang mga natatanging kababayan natin sa iba’t ibang sektor makalipas ang mahabang kasaysayan ng mga ofws sa Italya.
Pinangunahan ni Ariel Lachica, ang Chairperson at ni Auggie Cruz, ang Secretary General, ang Araw ng Parangal ay dinaluhan ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang religious group, mga asosasyon at grupo, mula Hilaga hanggang Timog Italya.
Ang higit sa isang taong preparasyon ay lubos na nagdulot ng kaligayahan at pagmamalaki sa bawat nakatanggap ng hand made tamaraws at sablay awards hindi lamang para sa kanilang mga sarili at mga pamilya kundi para sa kanilang mga employers at bansang Pilipinas.
“Ang tamaraw ay isang katutubong hayop na matatagpuan sa Mindoro. Ito ay kahawig ng isang kalabaw at karaniwang maligsi. Dito namin inihahalintulad ang mga manggagawa, sa kanilang pagiging ‘maligsi’ sa pagta-trabaho. Ang sablay naman ay isang ‘sash’. Ito ay burdado at karaniwang ibinibigay lamang sa mga may partikular na katangian”, paliwanag ni Lachica.
Higit sa 40 ang mga awardees ang masusing pinag-aralan ng mga bumubuo sa Panel of Consultants. Sa individual awards, ang mga pinarangalang kategorya ay ang Outstanding Caregivers and/or Medical Staff; Outstanding Household Managers and/or Hotel & Restaurant Workers & Other Services; Outstanding Leaders in Civic and Religious (Catholics and Non Catholics); Outstanding Youth Star Leaders (Catholics and Non Catholics, also in Academic Standing); Outstanding Filipino/Filipina Senior Citizen; Outstanding Phil. Govt. and Private Employees in Italy. Samantala sa group awards naman ay ang mga kategoryang Outstanding Civic Organization (Catholic and Non-Catholics) at Outstanding Religious Group (Catholic and Non-Catholics).
Bukod sa mga awardees ay binigyan rin ng parangal ang higit sa 70 indibidwal at grupo/asosasyon sa natatangi at walang sawang paglilingkod ng mga ito sa sambayang Pilipino. Kabilang ang pahayagang Ako ay Pilipino at ang bumubuo nito sa nakatanggap ng parangal.
Naging panauhing tagapagsalita si Vice Consul Kristine Margret Malang ng PE Rome na binasa ang mensahe ni Charges d’affaires Leila Lora-Santos. Nakiisa rin sa Araw ng Parangal si Vice Consul Mary Grace Villamayor buhat naman sa PE to the Holy See.
“Labis din po ang aming pasasalamat kina Vice Gov. HUMERLITO ’BONZ’ DOLOR ng Oriental Mindoro, Hon. Cong. JONATHAN DELA CRUZ ng ABAKADA Partylist, USec. FELIZARDO SERAPIO (Ret.) Head OES,LESIO & Executive Director PCTC at Ambassador Philippe Lhuillier na sumoporta sa aming adhikain kahit sila ay nasa malayo”, ayon kay Cruz.
Marami ring cultural group ang nagbigay kulay sa nasabing pagdiriwang. Kabilang dito ang Pinoy Teens Salinlahi, Center Cluster Garnd Choir at Verbo Divino Ensemble buhat sa Roma; ang Philippine Don Bosco Association buhat sa Palermo at ang Napoli Band.
Kasabay ng tagumpay ng Awarding Ceremonies, magpapatuloy pa rin ang FEDERFIL-ITALY para sa magandang layunin. Ito lamang umano ang simula kung kaya’t siniguro ng organizer na magkakaroon pa ng susunod na parangal at mga proyekto para sa ikabubuti ng mga manggagawang Pilipino sa Italya, “One Voice, One Action”, ika nga.
AWARDEES
HOUSEHOLD MANAGER/RESTAURANT
ANTONIO TALAUAN – NAPOLI
ELMER CLEMENTE – FIRENZE
VILMA BANARES – NAPOLI
RAY REBUCAL – R. CALABRIA
NESTOR MALABANAN – PESCARA
JULIET REYES – ROMA
CIVIC ORGANIZATION
UNIONE FILIPPINI ABRUZZESI – PESCARA
ASSOCIAZIONE FILIPPINA – FIRENZE
TAMPSCI – FIRENZE
FILIPINO NURSES ASS (FNA) – ROMA
PGBI AZZURRA NAPOLI CHAPTER – NAPOLI
CIVIC AND RELIGIOUS LEADER
WILLY PUNZALAN – FIRENZE
VLADIMIRO BARBERIO – FIRENZE
PRESCILA DIMAYUGA – NAPOLI
HAWAK KAMAY FOUNDATION – ROMA
JERRY ARQUISOLA – ROMA
JUDITO ESPTOPACIA – ROMA
POTENCIANA SIONY LANDICHO – ROMA
ITALIAN EMPLOYER
GENNARO D’ARCANGELO – PESCARA
DOTT. SABRINA FASULO – ROMA
DOTT. PANTALEO D’ TERLIZZI, FARMACIA D’TERLIZZI – ROMA
DANIELA BELLECCA e UMBERTO PERELLA – ROMA
RELIGIOUS GROUP
APOSTLES FILIPINO CATHOLIC COMMUNITY – ROMA
LA SALLETE KALINANGAN FIL.COMM. – ROMA
PILIPINO DON BOSCO ASSOCIATION – PALERMO
PEDRO CALUNGSOD FIL COMMUNITY – NAPOLI
SENIOR CITIZEN
EMMA DIMAYUGA CARAIG – MODENNA
PERLITA SELOSA – ROMA
LEONIDA CARAIG – ROMA
CANDIDA ANTONIO AGUSTIN – ROMA
YASMINE DAVAO – TUSCANNY
YOUTH STAR LEADER
LEE JAY RAMIREZ – ROMA
JEALYN A. PEREZ – ROMA
RONALYN NATIVIDAD – ROMA
THEA MAREA ELYSSE ABIGAILE NARCISO – ROMA
GIANLUIGI LOPEZ CARAANG – ROMA
DANNA PASCUA – ROMA
CAREGIVER/MEDICAL STAFF
ANTONIO MALABRIGO – ROMA
ORLY ORLANDO SEBASTIAN – CATANIA
PHIL.GOVT. EMPLOYEE IN ITALY
MS. JOSEPHINE E. BANTUG – P. E. HOLY SEE
MRS.GIUSSEPINA TAPIADOR – P.E. TO ITALY
H.E. AMBASSADOR MERCEDES A. TUASON – P.E. HOLY SEE
PANEL OF CONSULTANTS
MONS. JERRY V. BITOON
MRS. MARIETTA GUMABON-LAMI
MRS. PETRONILA V. DAQUIGAN
MS. CHARITO BASA
MR. HENRY ESTRADA
Jeanlyn Perez, Outstanding Youth Star Leader ng Roma. Nagtuturo ng free financial literacy sa mga kabataan.
“Mahalaga ang matutunan ito ng mga kabataan dahil sila ang pag-asa ng bayan. Bilang ofw, siyempre hindi po panghabang buhay na tayo ay nasa ibang bansa. Kailangan pagdating ng panahon ay nakapaginvest tayo sa sarili natin bayan”
Precy Dimayuga, Outstanding Civic and Reigious leader ng Napoli, 60 anyos, balo at mahigit 24 taon ng nanirahan sa Italya.
Isang bandante. Mahigit isang taon ring nanirahan sa Roma, subalit sa pakikipagsapalaran sa Naples ay doon nakakita ng permanenteng trabaho at nakapag-asawa sa isang italyano.
“Nakuha ko na rin ang aking mga anak sa Pilipinas, at lahat sila ay nasa Naples, at sa pagkakatanggap ko nang award ay nagpapasalamat ako sa Diyos at sa mga taong nagtiwala sa akin dahil sa mga naitulong ko sa community.”
Perlita Salosa, Outstanding Senior Citizen ng Roma
Dati ay isang colf. Ngayon ay isang government employee sa Roma bilang collaboratrice sa higit 34 taon na sa local government.
“I am very very happy for this, and I never expected this, for so many years of my stay here in Italy, thank you very much! My children, they are my inspiration”
ulat ni Pia Gonzalez-Abucay at Chet de Castro Valencia
larawan ni Corazon Rivera