in

OVERSEAS VOTING: Mga bagong rehistrado sa Italya, umabot na sa 8,000

Mayroon nang 8,000 mga bagong overseas voters sa Italya, Malta at Albania.

 

 

 

 


Roma, Abril 7, 2015 – Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Roma, mayroon nang 8,000 mga bagong overseas voters sa Italya, Malta at Albania.

Sinimulan noong Mayo 6, 2014 ang pagpaparehistro ng overseas voters sa Embahada ng Pilipinas sa Roma.

Gayunpaman, patuloy ang pag-aanyaya sa lahat ng mga Pilipino na magparehistro bilang overseas voters hanggang Oktubre 31, 2015. Ito ay upang matiyak na makakaboto para sa nalalapit na 2016 Presidential at National Elections.

Sa pagpaparehistro, ay pinapaalalang dalhin lamang ang Philippine Passport.

Bukas ang Overseas Voting Registration mula Lunes hanggang Biyernes, 8:30 AM hanggang 5:00 PM sa Window 8 ng Embahada ng Pilipinas sa Roma at sa lahat ng mga Consular Outreach Services sa Italya at Malta.

Ukol naman sa Voter’s ID, mangyaring bisitahin ang http://www.romepe.dfa.gov.ph para sa listahan ng mga Voter’s ID na maaari ng kunin sa Window 8 ng Embahada ng Pilipinas sa Roma.

Matatandaang mayroong 13,000 overseas voters noong 2012. Sa bilang na nabanggit ay idadagdag ang 8,000 mga bagong rehistrado.

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isang mag-aaral at hindi nagta-trabaho. Maaari bang gamitin ang sahod ng magulang para sa citizenship?

Decreto flussi para sa mga seasonal workers, hinihintay pa rin!