Milan – Abril 27, 2013 – Ang Philippine Consulate General ng Milan,ay nagsasagawa ng POSTAL VOTING. Ito ay nangangahulugan na ang mga balota ay ipapadala sa postal address ng mga rehistradong botante sa Milan at Northern Italy.
Inaanyayahan ang mga rehistradong botante na tumawag agad sa Konsulado hanggang Lunes, 29 Abril 2013, upang ibigay ang tamang address para maipadala sa koreo ang mga balota.
Pagkatapos sagutan ang balota – paalala pa ng Konsulado – ay mangyaring ihulog ito sa posta o ihatid sa Konsulado.
Sa pagkakataong hindi nakarating ang balota sa kadahilanang mali o kulang ang address na nakasulat dito, ang balota ay babalik sa Konsulado at maaari diumano itong kunin nang personal.
Samantala, sa pamamagitan ng website philcongenmilan.net ay ilalathala ang mga pangalan ng balotang ibinalik ng posta dahil sa maling address at maaring kunin nang personal ang mga balota sa Konsulado hanggang ika-29 ng Abril 2013.
Ang pagtanggap naman ng mga balota ay itinakdang hanggang ika-13 ng Mayo, ala-una ng hapon (Italy time). Ang araw na nabanggit ay idineklara bilang official National Holiday sa Pilipinas ngunit ang Konsulado, bagaman sarado ang Consular Section ay mananatiling bukas para tumanggap ng mga balota.
Magsisimula ang canvassing o bilangan ng balota sa ganap na ala-una ng hapon ng araw na nabanggit. (PCG – Milan)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]