in

Paalam Ambassador, A presto

Rome – Walang tigil sa pagganap si Ambassador Romeo Manalo sa kaniyang mga tungkulin hanggang sa huling araw ng kaniyang panunungkulan bilang mataas na kinatawan ng gobyernong Pilipino. Sa kabila ng mga naging batikos sa kaniya nang aprubahan ng Ministry of Interior ang pagtanggal ng “middle name” sa ating Italian documents, ipinagpatuloy niya ang pinanindigang integrasyon sa bansang Italya.

altMula Florence, nagtuloy si Ambassador Manalo sa Squisito Restaurant sa Via Lucullo 22 kung saan ay ginanap ang inihandang “bid farewell” para sa kaniya at “awarding of certificates” para sa mga naglingkod noong ipagdiwang ang Kalayaan 2011. Hindi pa rin mababakas sa katauhan ni Ambassador Manalo ang pagod sapagkat siya pa mismo ang nag-abot ng mga nasabing certificates. Lagi pa rin ang ngiti sa kaniyang mga labi at likas na pagiging masayahin.

Kitang-kita kung paano minahal ng tao si Ambassador, ito daw ay dahil na rin sa kaniyang ipinakitang pagkamababang loob at pagiging makatao. Nakapanghihinayang na aalis si Ambassador sapagkat siya pa lamang ang Ambassador na nakapagsasalita ng mahusay na wikang italyano. Malaking bagay ito para sa mga Pilipino sa Italya.  

Pinili ni Ambassador Manalo ang “early retirement” sapagkat sapat na umano sa kaniya ang halos alt38 years na paglilingkod sa gobyerno at sambayanang Pilipino sa buong mundo. Sapat na rin ayon pa sa kaniya ang makamit niya ang pinakamataas na posisyon sa buhay niya at ngayon nais naman niyang bigyan ng panahon ang kaniyang sarili habang siya ay may kakayanan pa na gampanan ang mga bagay na makapagpapasaya sa kaniya.

Maligayang pagbabalik po Ambassador sa bansang ating pinakamamahal at sana po ay muli tayong magkita. Mabuhay po kayo at samalat sa isang taon na inyong iginugol sa aming lahat. (ni Liza Bueno Magsino)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SA ITALYA, SA REHIYON NG UMBRIA NAGANAP ANG KAUNA-UNAHANG SELEBRASYON NG ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS

BAGONG BAYANI AWARDS NOMINATIONS HEADED BY BBFI