in

Paalam Kuya Macky!

pagkamatay Pilipina sa Perugia

Isa si Macario Austria, 58 anyos, tubong Tanauan, Batangas, sa mga naging biktima ng Covid19 sa Italya. Binawian ng buhay noong October 29, 2020 sa Ospedale Privato Polispecialistico sa Roma.

Kilala sa tawag na Kuya Macky, dumating sa Italya sa taong1994, kasama ang kanyang asawa na si Carmela Austria, 59 anyos, tubong Tac-Tac, Balayan, Batangas. 

Tulad ng lahat ng mga Ofws, hangarin ng mag-asawa ang magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya, mapag-tapos ang dalawang anak, 1 babae at isang lalaki, magkaroon ng sariling bahay at magkaroon ng mas maginhawang buhay. Dahilan ng pagsusumikap ng mag-asawa sa araw-araw na pagta-trabaho bilang partimers. 

May apartment ang mag-asawa sa Roma at dito ay kasamang parang kapatid na naninirahan sina Eva Ramos at ang asawa nito. 

Sa kasamaang-palad isang araw ay inubo na lamang si Kuya Macky at bahagyang nilagnat pagkalipas ng ilang araw. Hanggang dumaing na hindi na niya kaya dahil nahihirapan ng huminga. Dinala sa Ospedale Privato Polispecialistico noong October 11, 2020. At dahil diabetic din, hindi kinaya ni Kuya Macky ang bagsik at kumplikasyon sa kalusugan na dala ng covid19 at tuluyang bumigay ang katawan. 

“Nahirapan kami dahil matapos makumpirma sa ospital na may covid19 si Kuya Macky, ay sumailalim din kami sa quarantine, swab test at sa kasamaang palad, kaming 3 na kasama sa bahay ay nag-positibo din sa virus. Hanggang sa namatay si Kuya Macky ay naka-isolate kami at hindi pwedeng lumabas ng bahay” ayon kay Eva, ang kasama sa bahay. 

Kami naman pong 3 ay asymptomatic. Ngunit ang bigat na pinagdaanan ng maybahay ni Kuya Macky ay isang mabigat na krus. Ang tanging naitulong ko po ay ang makipag-usap sa mga duktor at ang humingi ng tulong, lahat sa pamamagitan lamang ng telepono at ang damayan ang tila kapatid kong si Carmela sa kanyang pagluluksa”, dagdag nito.

Ikalawang araw matapos pumanaw si Macario ay nakausap ni Eva ang Ako ay Pilipino na naging instrumento ng impormasyon at komunikasyon at agarang nakausap ang mga kinauukulan sa Embahada ng Pilipinas (ATN Officer, Labor Attache at Welfare Officer) na hindi naman nag-atubili para asikasuhin ang labi ng yumaong na si Macario. 

Naging maayos ang libing na tanging hiling ng maybahay na naiwan na hindi man lang nasilayan ang yumaong na asawa.

Napatunayan muli ang pagbabayanihan higit sa oras ng pangangailangan. Hindi man ka-baryo, hindi man ka-miyembro, hindi man kakilala, ang pagtulong at pagdadamayan ay katangian ng bawat Pilipino. Isa na dito ang kaibigang si Edithina Comia, ang kaibigan ng pamilya. Nagbigay tulong din ang Guardians Emigrant Aux kasama ang National President, grupong Batangas Bowling Association at Batangas Women’s Bowling Association ng TBAI at mga kababayang taga Tuy

Sundin ang tagubilin ng gobyerno. Ingatan ang sarili at kasabay nito ay iniingatan mo ang kalusugan ng iyong pamilya, mga kamag-anak, mga kaibigan at buong komunidad! (Norie Ignaco)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Kaso ng Covid19 at biktima nito sa bansa, patuloy ang pagdami!

shabu parma Ako ay Pilipino

Dalawang Pinoy, sangkot sa panghoholdap sa Roma