in

Paalam Marcus!

Ginanap ang Funeral mass noong nakaraang Sabado ni Marcus Johannes de Vega, ang batang nagbuwis ng buhay sanhi ng malasanità sa bansang Italya.

Sa Santa Pudenziana, Via Urbana si Jacquiline de Vega, ang naulilang ina ni Marcus, kasama ang mga kamag-anak, kaibigan at ang buong sambayanan ay nakiramay at nanalangin para sa katarungan ng pagkamatay at kapayapaan ng  kaluluwa ng sanggol.

“Sana ay ito na po ang huling funeral mass ng aking anak”, mga iniwang salita ni Jacquiline dahil ang unang funeral mass ay ginawa na noong July 2 sa Prima Porta.

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas si Jacquiline ilang araw bago ang mga labi ni Marcus upang doon ay ihatid sa huling hantungan ang anak.

“Kasalukuyang nasa bakasyon ang bansang Italya, at inaasahan ko po ang pag-usad ng kaso sa aking pagbabalik”, pagtatapos ni Jacquiline na mayroong tapang at pag-asa sa mga mata nito.

Dumalo sa Funeral mass sina Fr. Morrel Querikiol at ang bumubuo ng PPCR, ilang konsehal sa pangunguna ni Romulo Salvador, local media at matapos ang misa ay dumating si Vice Consul Atty, Jarie Osias.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pumasok ng Italya noong 2011, umuwi ng Pilipinas at muling babalik sa Italya, maaari bang ma-regularize?

Mga parusa sa employer na tatanggap sa undocumented immigrant