in

Paaralan, gawa sa plastic bottle!

Solusyon sa kakulangan ng mga classroom – Diaz

Inaasahang matatapos at magagamit na ngayong Enero ang kauna-unahang paaralan sa Asya na ginamitan ang mga recycled plastic bottle (sa halip na hollow blocks) para maitayo.

Ang Bottle School Project ay itinayo sa 560 sq meter na lupaing idinonate ng lokal na pamahalaan ng San Pablo, Laguna.

Ang proyekto ay konsepto ng actor-model turned social entrepreneur na si Illac, Diaz. Kilala si Diaz sa paggawa ng mga mura pero matibay na gusali (gaya ng mga bahay) para makatulong sa mga mahihirap na Pilipino.

Sa halip na hollow block, ang mga 1.5 liter na plastic bottle ng softdrink ang ginamit bilang pundasyon at pader ng paaaralan. Ang mga plastic bottle ay nilalagyan ng mga liquefied adobe kaya mas matibay ito kaysa karaniwang hollow block.
Ang bawat classroom sa itinatayong paaralan ay ginamitan ng tinatayang 5,000 recycled bottle – mga plastik na sa tingin marahil ng iba ay basura na.

Ayon kay Diaz, “Gusto ko sana bawat bote na makita nila sa mesa nila is, hindi ‘yan iisipin na basura, iisipin nila na dito sa Laguna ginagamit ‘yan bilang hollow block para sa classroom. First step ‘yan sa pag-solve sa mas malaking problema sa pagkukulang sa classroom,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ng actress-turned politician na si Angelica Jones, board member, sadyang naglalaan ang lokal na pamahalaan ng lupain na maaaring pagtayuan ng mga paaralan, lalo na sa mga lugar na may malaking kakulangan sa classroom. Jimenez

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian Village sa Punong Anahao, katuparan ng pangarap!

5425,00 HALAGANG KAILANGAN PARA MANATILI NG ITALYA