in

Pacquiao, bagsak sa sixth round

Isang hindi malilimutang araw ang Dec 9 para sa mga Pilipino sa buong mundo, matapos mapatulog ni Marquez ang Pinoy ring icon eksaktong isang segundo na lang ang nalalabi sa sixth round para sa pagsasara ng ikaapat na pagkikita ng dalawa sa MGM Grand Arena na dinagsa ng 16,348 katao. 

Isang perpektong pagkakataon nang binitiwan ni Marquez ang isang perpektong suntok kay Pacman ang nagbura sa huling dalawang pagkatalo nito via decision laban kay Pacman noong 2008 at 2011 bukod sa tablang laban noong 2004.

Unang bumagsak si Pacquiao sa third round ngunit nakaganti sa Mexican na duguan ang buong mukha Marquez sa fifth round.

Pagkatapos nito ay ang tila pinakamalungkot na sandali para sa mga Pilipino sa buong mundo, gayun din sa mga supporters ni Pacquiao, ang malakas na overhand right sa panga si Pacquiao na naging daan sa pagbasak nito.

Hindi kumikilos at mahimbing na nakatulog sa loob ng halos dalawang minuto si Pacquiao. Mabilis na sumenyas si referee Kenny Bayless na tapos na ang laban (may 2:59 sa sixth round).

"I never expected that punch," ayon kay Pacquiao matapos ang laban. "He gave me a good shot. That's boxing, sometimes we get hit."

"I started to get overconfident, but I never expected that punch", dagdag pa ni Pacquiao.

Samantala, ang pagkapanalo ni Marquez kahapon ay nagtaas ng kanyang rekord sa 55 na panalo, anim na pagkatalo, at isang draw.

Bagaman ikinalungkot ng buong mundo ang ikalawang sunod na talo matapos mabigo via decision kay Timothy Bradley noong Hunyo ay kailangang tandaan ng bawat Pilipino na si Manny Pacquaio pa rin ang Pambansang Kamao na nagwagayway ng lahing Pinoy, sa larangan ng boxing.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

647 huling ulat ng bilang ng mga namatay dahil sa bagyong Pablo

Regularization, muling nagbubukas para sa mga employer na hindi naipadala ang aplikasyon