in

Pacquiao ‘Fighter of the Decade’ at Donaire ‘Fighter of the Year’

Dalawa sa pinakasikat na boxers ng Pilipinas ang binigyan ng parangal sa WBO 25th Convention sa Seminole Hard Rock & Casino. 

Oktubre 25, 2012 – Kabilang sina Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang 'WBO Fighter of the Decade' at si Nonito Donaire Jr. bilang  'Fighter of the Year', sa mga pinarangalan ng WBO executive committee kahapon.

Ibinigay kay Pacquiao ang pambihirang award dahil sa walong weight division title nito sa nakalipas na dekada.

Kinuha ni Pacquiao ang trono ng WBO welterweight title mula Nobyembre 2009 kung saan pinabagsak si Miguel Cotto ng Puerto Rico sa 12th round sa Las Vegas. Nawalalamang ito sa congressman noong Hunyo nang matalo sa kontrobersyal na split decision kay Timothy Bradley sa Las Vegas din.

Si Pacquiao ang hinirang na 'Fighter of the Decade' ng WBC noong isang taon. 

Samantala, si Donaire ay dalawang beses namang nanalo noong 2011 laban kay Fernando Montiel ng Mexico sa second round sa Mandalay Bay noong Pebrero para sa WBO at WBC bantamweight titles bago naman talunin si Omar Andres Narvaes ng Argentina para sa WBO super bantamweight title sa Madison Square Garden sa New York noong Oktubre. 

Ang ilan pang major awardees ay sina Light Flyweight champion Yesica Bopp ng Argentina bilang 'Female Fighter of the Year' at si Top Rank boss Bob Arum at Todd Duboef na mga 'Promoter of the Year'.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Huge Flash mob in Milan of “Gangnam Style”

Mandaue Children and Youth Chorus (MCYC) Concert sa Roma