Rome – Ang Republic Act 9679 ay isang batas na nag-oobliga sa mga OFWs sa buong mundo na maging miyembro ng HDMF o PAG-IBIG.
Ang paglagda ng CSA o Collection Service Agreement ng POEA at PAG-IBIG ay ang umpisa ng pagiging pre requisite ng PAG-IBIG membership bago makakuha ng OEC o Overseas Employment Certificate, kilala bilang Exit Pass.
‘Ang OEC ay binabayaran sa tanggapan ng POLO ng halagang 2 euro bilang exemption sa pagbabayad ng Travel tax bago lumabas ng Pilipinas ang bawat OFW. Pwede ring kumuha ng OEC o Exit pass sa Pilipinas Balik Manggagawa Center o di kaya sa mga regional offices ng POEA. Ang travel tax exemption privilege ay hindi makakamit kung hindi makakakuha ng OEC o Exit pass at sa halip ay kailangang magbayad ng 1,620 pesos para sa travel tax at Airport tax ng 750 para makalabas ng Pilipinas ang OFW”, paliwanag ng Labor Attachè Chona Mantilla. “Pwede ring dumulog sa DOT o Department of Tourism para makakuha ng discount sa privilege travel tax”, dagdag pa nito.
Sa kasalukuyan, ang e-mechanism o electronic mechanism ay hindi pa handa sa kabila ng naging kasunduan ng POEA at ng PAG-IBIG. Sa kadahilanang ito, ang POLO OWWA sa Roma ay nagi-isyu ng OEC sa lahat ng nangangilangan nito at hindi pa kinikilala bilang pre requisite ang maging miyembro ng PAG-IBIG para makakuha ng OEC.
Gayun pa man patuloy na ipinababatid sa kaalaman ng lahat na ito o ang mandatory membership sa PAG-IBIG ay isang ganap ng batas (REPUBLIC ACT 9679) at ang paglabas ng ‘implementing rules and regulations’ ang magtutulak sa POLO OWWA na mapilitang gawing miyembro ng PAG-IBIG at gawin itong pre requiste sa issuance ng OEC.
Mga bagay na inihihingi ng paliwanag ng mga migrante.