in

Pagbabago sa regulasyon ng consiglieri aggiunti, ipinaliwanag ni Salvador

Bilang isa sa mga proponent ng bagong regulasyon ng mga consiglieri aggiunti sa pagpapatupad ng bagong Statute ng Roma Capitale, inihayag ni Romulo Sabio Salvador sa isang panayam ang nilalaman ng inaprubahang Regolamento noong nakaraang Abril 8.

Matagal na panahon ang hinintay ng mga migrante sa bagong regolamento na inaprubahan noong Abril 8. Bakit?

Hindi lamang matagal na panahon ang paghihintay ng mga migrante sa Roma sa pagboto sa pagpili ng mga bagong konsehales, ito ay lampas rin sa panahong itinakda ng bagong statuto ng Roma Capitale na dapat sanay noong nakaraang Abril 2014. Ito ay tila dahil na rin sa kakulangan ng atensyon ng administrasyon ni Marino sa tema ng imigrasyon at binigyang priyoridad ang para sa administrasyon na mas mahalagang problema.

Ano ang nilalaman ng bagong regolamento?

Ang bagong regolamento ay naglalaman ng mga patakaran sa pagboto at pagkandidato. Ito ay nahahati sa dalawang importanteng bahagi; una ay ang regolasyon sa pagboto at ang ikalawa ay ang patakaran ng panunungkulan ng mga bagong halal.

Anu-ano ang ipinagkaiba nito sa naunang ipinatupad?

Sa patakaran ng pagboto, isang pagbabago na batay na rin sa pagtitipid sa gastos ng halalan. Nasasaad sa Art3 sez 4 hinggil sa personal na pagpapatala sa mga munisipyo at ang online registration sa official website ng comune. At sa Art 11 sez2 hinggil naman sa voter's ID na kailangang kunin ng personal sa munisipyo o i-download sa website.
Batay naman sa panunungkulan ng mga bagon halal sa Art 19 sez 3 ay sinasabing ang mga consiglieri  aggiunti ay kailangang pumili ng political group (hindi puwedeng magboo ng sariling grupo). Ang paglahok sa commission ay walang katumbas na anumang tipo ng kabayaran. sa Art. 19 sez 4 ay nasasaad naman na ang aggiunto comunali ay may buwanang bayad (50 Euro) sa bawat paglahok nila sa assemblea samantalang ang panunungkulan ng mga aggiunto municipale ay walang anumang katumbas na kabayaran. o boluntaryo lamang.

Bakit kailangang magpatupad ng bagong regolamento, hindi ba pwedeng ipagpatuloy na lamang ang naunang ipinatupad?

Ang regolamento katulad ng iba pang mga regolamento interno ng Comune ay kinakailangang baguhin at ibatay sa bagong statuto ng siyudad. Bago kami bumaba sa panunungkulan ay nailahad naming apat na consiglieri aggiunti comunali ang proposal hinggil sa halalan ng mga aggiunti at naipaglaban namin na maging bahagi pa rin ng Statute ng Roma Capitale. Nagkaroon kami ng maraming pagpupulong teknikal at politikal upang ito ay mabago at mapalakas pa subalit sa huling pagboto ng konseho ay lumabas ang mga nasabing pagbabago na sa kasamaang-palad ay nagpahina ng puwersang politikal ng mga cons aggiunto.Sa mga susunod na araw ay maglalabas kami ng opisyal na pagpapahayag ng hindi pagkilala sa bagong regolamento dahil ito ay malayo sa nilalaman ng aming proposal at lalong malayo sa kasunduan namin at ng majority kasama na ang commissione statuto batay sa intensyong palakasin ang panunungkulan ng mga bagong mahahalal. Iniisip din namin na maghain ng ricorso sa TAR ng Lazio dahil ang bagong regolamento ay hindi aangkop at baliktad sa mga prinsipyong nasasaad sa statuto.

Ano ang posibleng epekto nito sa susunod na eleksyon ng consiglieri aggiunti?

Maaaring magkaroon ng malaking kawalan ng interes sa halalan ang mga migrante na naninirahan sa Roma at maari ring magkaroon ng ilang rally laban sa gobyerno ni Marino na kakikitaan ng malaking kawalan ng kaalaman o interes sa usaping imigrasyon na lalong nakita paano nila hinarap ang usaping consiglieri aggiunti.

 

Matatandaang unang nahalala noong 2004 si Romulo Sabio Salvador, ngunit hindi nanungkulan sa kabila ng pinakaraming botong natanggap dahil sa tinatawag na ‘quota rosa’. Muling nahalal noong 2006 at nanungkulan bilang Consigliere Aggiunto sa Comune di Roma para sa kontinente ng Asya hanggang 2011. Sa pamamagitan ng dating administrasyon sa pamumuno ni Alemanno ay binigyan ng extension ang mga nakaupong consilieri aggiunti municipali at comunali. Dec 15, 2013 ng tuluyang bumaba sa posisyon si Salvador kasama ang lahat ng mga kinatawang migrante sa ilalim ng administrasyon ni Marino.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sino si Pope John XXIII?

Bagong regulasyon ng mga Consiglieri Aggiunti sa Roma, inaprubahan!