in

Pagnanakaw ng pera at alahas, inamin ng isang Pinay

Palermo, Hulyo 21, 2014 – Inihabla kamakailan ang isang Pilipina, G.L. 40 anyos, matapos aminin ang ginawang pagnanakaw sa bahay ng 3 employers.

Ayon sa report, matapos makilala ang katapatan ng isang Pilipina sa loob ng  ilang taong paglilingkod bilang colf, isang 40 anyos na employer ang inirekomenda ang Pinay sa kanyang dalawa pang kaibigan.

Sa kasamaang-palad, ay naging kahina-hinala ang katapatan ng kanilang colf matapos matuklasan na nawawalan ang magkakaibigan ng pera at alahas.

Napagkasunduan ng 3 na subukan ang katapatan ng Pinay.

Ang unang employer ay sadyang nag-iwan ng 45 euros. Madaling kumagat ang Pinay sa patibong ng employer at binawasan umano ito ng 15 euros ng suspect sa pag-aakalang hindi ito mapapansin.

Samantala ang ikalawang employer naman ay natagpuan ang ilang alahas ng kanyang kaibigan sa kanyang lalagyan ng mga alahas. Marahil ay nagkamali ang suspect sa pagsasa-uli ng mga alahas matapos matuklasan na ang mga ito ay hindi maaaring ibenta dahil sa mababang value ng mga ito. 

Ang 3 ay hindi nag-atubiling dumulog sa pulisya matapos mapatunayan ang kanilang mga hinala. Napatunayan rin ang ginawang pagbebenta ng mga ninakaw na alahas, matapos ang ginawang imbestigasyon.

Ayon pa sa mga report ay inamin ng Pinay ang ginawang pagnanakaw.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Higit 67,000 mga migrante na dumating sa Italya – IOM

“Tra vent’anni…” Ang buhay at pangarap ng mga colf