in

Pagtatanghal ng Balik sa Basik 2023 sa Roma, tagumpay!

Matagumpay ang huling pagtatanghal sa Roma ng ikatlong edisyon ng Balik sa Basik 2023.

Sa pakikipagtulungan ng local organizer na Creative Minds ni Jaiane Morales kasama si Maldita Fate, ang Balik sa Basik na konsepto nina Laarni Silva at Ed Bansale, ay isang aktibong partesipasyon ng mga Euro-Pinoys sa Italya kung saan personal nilang naranasan ang ating kultura sa pamamagitan ng pambihirang oportunidad na ipamalas ang kanilang sariling ekspresyon sa mga tradisyunal na kasuotan ng kanilang mga ninuno. 

Bukod kina Fashion Ambassador Renee Salud at Direk Cata Figeroa, tampok din ngayong taon ang mga tanyag na models na magmula pa sa Pilipinas tulad nina Shaimaa Al Najjar, Viva Actress and Miss Northern Samar; Katrina Llegado, Miss Universe Philippines 2022 2nd runner-up and Reina Hispanoamericana 2019 4th runner-up; Arnel Calugay, Ramp and commercial model; Elaine Kay Moll, Bb. Pilipinas-Supranational 2012 & Miss Supranational 2012 3rd runner-up; Gazini Ganados, Miss Universe Philippines 2019 & Miss Universe 2019 Top 20; Ms. Jessie Maloles, Best Dressed of the Philippines, Philanthropist and Businesswomen. Kasama din ang mga Euro-Pinoy models sa Italya.

Panauhing pandangal si Philippine Ambassador to Quirinale, HE Nathaniel Imperial kasama ang mga opisyales ng Embahada ng Pilipinas sa Roma.

Mainit din ang naging suporta ng komunidad, na lubos na humanga sa mga creations ni Mama Rene Salud at sa husay ng mga rumampa.

Ang Balik sa Basik ay isang inspirasyon upang balik-tanawin at isabuhay ang ating tradisyon at ang kagandahan ng ating pamanang-lahi.  

Basahin din:

Philippine Embassy Rome Press Release Balik sa Basik Fashion Show in Rome

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Basketballers, tagumpay ang Awarding Day

Click days ng Decreto Flussi para sa domestic job, nagpahayag ng pangamba ang Assindatcolf