in

Pamilya, Kabataan, Sambayanan sa Araw ng Kalayaan 2012 sa Tuscany

Firenze – Isang masayang pagdiriwang sa araw ng Kalayaan ang naganap noong Hunyo 17, 2012 sa Campo Sportivo Filarete, Firenze, Toscana.  Mga kilalang personalidad ang dumalo sa pagtitipon ito sa pangunguna ng butihing Mayor ng Firenze Matteo Renzi, Regione Toscana Giovani Lattarullo, Ministero dell Interno di Roma Funzionario Administrativi Dssa. Daniela Massari,  Direzione Centrale Politiche Immigrazione  Dssa. Elena Petrucci.  Presidente Asso. Donne Nosotras Laila Abi,  Consul General Grace Cruz Fabella,  OWWA Welfare Officer Ruth Roselyn Vibar at Phil. Honorary Consul Dott. Fabio Fanfani.  Ang okasyon ay inoganisa ng Confederation of Filipino Community in Tuscany-CONFED sa pangunguna ni Pres. Percival Capsa, FEA Pres. and Confed VP Dennis Reyes at Board of Council Divina Capalad. 

Sa talumpati ni Mayor Renzi ay pinuri niya ang mga Pilipino dahil tayo diumano ang pinaka well integrated sa lipunan at inaasam rin ng alkalde na magkakaroon ng isang batas na magbibigay sa mga batang ipinanganak sa Italya ng Italian Citizenship at kikilalanin bilang mga bagong mamayan ng Italya.

Isang magandang karanasan para sa mga communities, associations at maging mga sponsors ng isa-isang lapitan ng alkalde ang kanilang mga kubol upang batiin at mag pakuha ng group picture. 

Hinangaan ang performance mula sa San Barnaba Filipino Catholic Community sa kanilang filipiniana dance sa Kabukiran gayon din ang kanilang youth group, Kids Teakwando Dance, FNAT multi ethnic fashion, Adoracion Nocturna Filipina Group song ng “Ang Bayan Ko”,  Dance mula sa Adimef Youth at ang performances mula sa Pinoy Pride of Tuscany ng ibat ibang communities.  Isang matagumpay na selebrasyon na may magandang layunin, serbisyo, kultura, tradisyon at advocacy dahil sa maikling apela marami ang nagbigay tulong para sa biktima ng lindol sa Modena. 

Marami rin ang humanga sa Photo Exhibits ng UKP Litrato Klub sa pangunguna ni UKP Pres. Juancho Aquino at Litrato Klub Pres. Boie Escalante. Nag iwan din marka ang Litrato Klub dahil bukod sa Photo Exhibits ipinahayag din nila sa pamamagitan ng mga banner ang pagtuligsa sa ginagawa ng pamahalaan China sa pag angkin ng scarboruogh shoal at ayon sa grupo “Ang kalayaan ay Hindi Hinihingi ito ay Ipinaglalaban”. 

Ang tagumpay ng selebrasyon ay mula rin sa tulong ng mga sponsors mula sa LBC Hari ng Padala, Western Union,  Century Properties,  Atlas Shipping,  Globe,  Mega World Properties, CBN-BDO, RCBC, Phil. Express Intl., Avida Land,  Filinvest,  Italica Viagi, DMCI

Homes, Alert Kabayan, UMAC,  VMobile, NidaRuel Baon, Bhey Hair Saloon, Perlas Cakes & Pastries,  Tecnocasa at Digi Mobile.  Nagpapasalamat ang organizer sa magagaling na Host sina Rafsen Pinon, Ronn Arago, William Castillo at Divina Capalad, sa program Director Romy Alonzo at Stage Director Elmer Clemente, sa participation ng Fil. communities, associations mula sa Siena, Pisa, Arezzo, Viareggio, Montecatini, Livorno, Empoli, Lucca, Empruneta, Pistioa at Firenze,  sa lahat ng Guardians Group, at sa bagong kasapi ang Cabalen at APO. Sa ating mga Pilipino “Mabuhay ang Ating Kalayaan”. (ni: Argie Gabay

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

July 10, 2012, deadline ng kontribusyon

PCG Milan Leads the 114th Philippine Independence Events