Mahalagang suriin muna ang sitwasyon ng permit to stay bago magbakasyon: kung ito ay balido, kailangang i-renew o naghihintay ng releasing ng renewal at kung naghihintay ng first issuance nito.
Roma, Hunyo 20, 2015 – Ang sinumang nagpa-planong magbakasyon sa Pilipinas ngayong Hunyo dahil bakasyon ng eskwela at sa Agosto sa panahon ng ferie, ay pinapayuhang silipin muna ang sitwasyon ng sariling permit to stay bago ang tuluyang mag-plano ng bakasyon.
Ang may balidong permit to stay ay maaaring magbakasyon sa Pilipinas at bumalik sa bansang Italya basta’t dala lamang ang orihinal na permit to stay.
Maaari ring mag-bakasyon ng ilang araw na hindi nangangailangan ng entry visa sa Schengen countries tulad ng Belgium, France, Germany, Luxembourg, Netherlands, Portugal, Spain, Austria, Greece, Denmark, Finland, Sweden, Iceland, Norway, Slovenia, Estonia, Latvia, Lithuania, Poland, Czech Republic, Slovakia, Hungary, Malta at Switzerland.
Samantala kung non-Schengen country naman ang napili, ay dapat alamin kung batay sa international agreement ng bansang Pilipinas ay kinakailangan ito o hindi.
(Sundan ang pagbabasa sa www.migreta.it/tl/pilipino/roma)