in

‘Pane e Musiche’ kung saan ang mga Kultura ay binigkis sa Iisa

Tunay na hindi nagpahuli ang mga Pilipino sa North Italy sa pagpapamalas sa yaman ng kulturang pilipino, mula sa pagkain hanggang sa awit at sayawan, pati na rin sa sining! 

 

Milan, Disyembre 9, 2016 – Sinimulan nitong Disyembre, ang Pane e Musiche ay isang multi-ethnic event na nagtatanghal ng iba’t ibang kultura sa pamamagitan ng pagkain at sining. 

Sa ikatlong edisyon ng Pane e Musiche, hangarin ng Città Mondo Association, sa pangunguna ni Dava Gjoka  ang presidente nito at sa tulong ng Comune di Milano ang magpatuloy sa sinimulang layunin nito: bigkisin sa iisa ang mga kultura at pagsamahin ang sarap ng pagkain at himig ng musikang hatid nito. 

Bukod sa ipakilala ang mga tipikong pagkain ng iba’t ibang kontinente ay ipakita rin kung paano ito inihahanda at kung anu-ano ang mga segretong nakatago sa likod ng linamnam at lasa nito. At kasabay ng bawat lasap ay mapapakinggan naman ang himig ng musika at indak na hatid ng yaman ng bawat kultura. 

Nutrire la città che cambia”, ito ang tema ngayong taon na magtatagal hanggang sa December 18 na sinimulan sa pamamagitan ng Cooking show multiculturale upang masustansyang pakainin ang nagbabagong lungsod ng Milan. 

Opisyal na sinimulan ni Diana De Marchi, ang presidente ng Commissione Pari Opprotunità e Diritti Civili ang pagdiriwang. 

Kami sa Comune di Milano ay inaasahan ang muling tagumpay ng pagdiriwang at maabot ang aming layuning lalong makahiyat na kilalanin at paglapitin ang mga kultura ng bawat komunidad na mahalagang bahagi ng ating lungsod”, ayon kay De Marchi. 

Dinaluhan rin ng maraming asosasyon at mga indibidwal, Italyano at hindi ang pagtitipon.

Limang mahuhusay na chef buhat sa iba’t ibang asosasyon ang napiling magpakitang gilas sa publiko.  

Mula sa Europa, chef Felicia Chiciorangea, isang Romanian ng Italo-Romano Association na naghanda ng traditional soup with meatballs; mula sa Asia, chef Adelita Durana, Pilipina at ang may-ari ng Alilit Q5 Pinoy Foods Restaurant sa Bologna na naghanda ng empanada at lumpia ng I Colori del Mondo Association; mula sa Latin Amerika, chef Rafael Rodriguez ng Antonio Raimondi Association; mula sa Africa, chef Francine Akouavi ng Compagnia Africana Association; mula Middle East, chef Elashwal Elsayed na naghanda ng Cous Cous ng Nadi Centro delle Culture Association. 

Samantala, kung patok ang pinoy version ng empanada at lumpia sa mga tumikim na panauhin, hinangaan din ang sayaw na Pandango sa Ilaw ng Filipina Women’s League. Walang kapantay din ang soprano voice ni Emma Lapurissima na nagbigay naman ng isang awitin. 

Hindi rin nagpahuli sa exhibit ang ating ipinagmamalaking skultor na si Richard Gabriel na nanalo sa katatapos lamang na Zepter International Competition na giannap sa Milan kung saan higit sa 160 artists buhat sa iba’t ibang panig ng mundo ang naglaban-laban. 

Kaugnay nito, patuloy ang pag-anyaya sa ating mga kababayan ni Ana Bel Mayo, ang tinanghal kamakailan na isa sa 100 Most Influential Filipina Women at isa sa dalawang coordinators ng inisyatiba na makiisa sa layunin ng Pane e Musiche. 

Minsan pa ay ipinakita nating mga Pilipino na kaya nating makipag-sabayan kung kultura at talento ang pag-uusapan. Kayo po ay aking inaanyayahan na kami sa bisitahin hanggang sa Dec 18, partikular sa Dec 9 kung saan ang aming asosasyon ‘I Colori del Mondo’ ay muling magtatanghal ng ating typical food kung saan makakasama natin ang isa pa ring maipagmamalaki nating singer na si Bouian Casanas o Sheebom”, pagtatapos ni Ana Bel. 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Moroccan family, hinadlangang makapasok sa apartment na itinalaga sa kanila

Unang taong anibersaryo, ipinagdiwang ng UFWI