Sinasabing ang mundo ng ‘fashion’ ay ang pabrika ng mga pangarap. Narito ang istorya ng pabrika ng mga pangarap na nagsimula sa loob ng apat na sulok ng isang kwarto, ang istorya ng buhay ii Corn Tailor, isang Pilipino, 38 anyos.
Roma, Oktubre 17, 2012 – Ipinanganak sa Balayan Batangas, buhat sa isang malaking pamilya na binubuo ng 7 magkakapatid na lalaki at 4 pang mga babae. Namuhay ng mahirap sa isang barangay simula bata pa lamang, kung saan karaniwang ang pagkain ay kanin at tubig lamang, minsan ay wala pa. Pagmamahalan ng buong pamilya ang tila pagkaing nagbibigay lakas sa araw-araw. Upang maipagpatuloy ang pag-aaral ay nagtrabaho sa ilang kumpanya ngunit ang karamdaman ng ama na nangailanagn ng pag-aaruga ay naging dahilan upang hindi makatapos ang lahat sa pag-aaral. Si Corn ay 13 taong gulang ng tuluyang lumisan ang kanyang ama.
Ang nag-iisang pangarap ni Corn ay ang makapasok sa mundo ng moda; dahil dito ay pumasok sa Calaca Foundation Fashion School sa Batangas, habang nagta-trabaho sa apat na kumpanya upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya at matustusan ang pag-aaral. Samantala ang mga kapatid ay nagta-trabaho bilang karpentero. Apat silang nagta-trabaho sa pamilya.
Si Corn ay nag-asawa at maging ang kabiyak na si Veronica, ay tumulong sa kanya. Matayog ang mga pangarap, si Corn ay nagtungo ng Maynila upang bumili ng mga Barbie at sa kanyang pagbabalik sa sariling bayan ay gumagawa ng mga wedding gown ng manika at ang mga ito ay ibinebenta sa kalsada, sa harap ng simbahan. Sa harap ng simbahan dahil sa matinding pananampalataya na tanging ang Diyos lamang ang kanilang kaagapay. Sa halagang 50 pesos (4 euro) bawat isa ay palaging nauubos ang mga ito kasabay ng mga papuri kay Corn. Sa edad na 32 anyos ay nagsimulang hilingan ito ng mga wedding gown, basketball uniforms at mga evening dress. Lahat ng mga ito ay kanyang sinasagutan upang matugunan ang pangangailangan ng kumakalam na sikmura.
Ang pagsusumikap na ito ay hindi sapat para sa dalawang pamilya. Taong 2009, sa kinang sa kanyang mga mata ng lungsod ng Milan, sa pagsasakatuparan ng kanyang mga pangarap na maging isang ganap na ‘stylist’, higit sa isang mithiin ay isang pangangailangan, ay nilisan ang bansang Pilipinas. Una ay sa Slovakia, kung saan ay nagtrabaho, sa mababang halaga, bilang computer-cut sa isang malaking kumpanya, ngunit tumagal lamang dito ng 6 na buwan. Sinundan ito ng lungsod ng Milan,Italy bilang panauhin ng mga kaibigan sa Batangas, ng pamilya Mimita Cueto, dahil isang karangalan para sa mga ito na maging panauhin ang isang Corn Taylor. Bagay naman na ipinagpapasalamat ni Corn.
Ang trabaho ay tunay na mahirap matagpuan at ang mga dokumento ay mahirap na kalaban sa kawalan ng trabaho. Matagal na namumuhay si Corn bilang undocumented. Dalawang taong nagbenta ng mga inumin tuwing Huwebes at Linggo sa kapaw Pinoy tuwing day-offs. Dahil walang gastos, salamat sa kanyang mga kaibigan, ang 20 euros na kinikita ang buong-buong ipinapadala sa pamilya, at 15 euros sa asawa, halagang kinakailangan ng pamilya upang makabili kahit ng gas lamang sa pagluluto, sa kabila ng pagtatago sa tunay na trabaho nito.
Dalawang taon ang makalipas ay nagsimulang magtrabaho sa isang tailor shop, nananahi at nagdo-drawing ng mga damit. Ang Nigerian employer ay sinubukang tanggapin si Corn mula alas 9 ng umaga hanggang alas 9 ng gabi sa halagang 20 euros na walang permit to stay. Dumami ang mga kliyente na hinahangaan ang mga tahi ni Corn. Malaki ang kinita ng employer, si Corn ay nanatiling 20 euros.
Hanggang sa iniwan ang lahat at nagsimulang magtrabaho sa loob mismo ng kanyang kwarto. Isang maliit na makina, tatlong mannequins at matibay na pagnanasang kaya ang hamon ng buhay. Nagtrabaho gabi at araw si Corn hanggang sa umabot ng 80 ang mga damit para sa iba’t ibang okasyon ang kanyang natahi sa loob lamang ng dalawang buwan, mula wedding gown hanggang casual wear. Marzo 2011, dalawang taon ng kanyang pananatili sa Italya, sa tulong ng ‘Kikay Group’, isang event organizer na naging make-up artist ni Corn, ay sumapit ang pinahihintay na ‘Bella’, ang unang fashion show sa Milan ni Corn. 26 ang mga models at dinaluhan ng halos 500 katao, mga Pilipino at mga Italians na nasaksihan ang kanyang talento. Itinanghal ang kanyang mga wedding gowns na kanyang naging specialty dahil sa naging pananahi ng mga ito para sa mga Barbie.
Hanggang sa pamamagitan ng interview ng “Ako ay Pilipino”, ang kilalang Filipino newspaper sa Italya, ay umabot ang totoong kwento ng kanyang buhay sa kanyang mga mahal sa Pilipinas. Isang kopya ng pahayagan ang ipinadala sa Pilipinas, ang nagsiwalat ng hirap ng pagigig undocumented. Ang pagdadalamhati ng ina ay hindi naitago kasabay ng luha para sa tagumpay ng anak. Kumatok sa bawat pinto, sa paroko ng siyudad, hanggang sa Mayor ng lungsod at pagmamalaking dala ang pahayagan kung saan matatagpuan ang tagumpay ng anak. Sa araw ay luha ng tuwa at pagmamalaki samantalang sa gabi ay luha ng awa at pananabik sa anak na malayo sa kanyang piling.
Noong nakaraang Setyembre ay nagwagi si Corn at ang kanyang mga damit , tatlong premyo sa Miss Italia- Philippines: Best Casual dress, Best evening dress, Best International Costume. Ngunit patuloy ang laban sa kasalukuyang Sanatoria upang maging regular ang pananatili sa bansang Italya. Sa Mayo, marahil ay lalabas na ang kanyang mga dokumento at ang kanyang kahilingan sa kasalukuyan? Ang makuha ang kabiyak sa Italya na apat na taong hindi nakikita at ang makapag bukas ng maliit na negosyo: ang “Corn Tailor Creation”.
Ngunit hindi kinalilimutan ni Corn ang kanyang pinagmulan; halos tuwing linggo ay nakakatanggap ng mensahe mula sa mga kapatid na humihingi ng tulong. Patuloy ang suporta ni Corn sa kanyang maybahay, hindi na 20 euros ngunit 200 euros, gayun din sa kanyang ina at mother-in-law. Patuloy ang komunikasyon sa pamamagitan ng internet at telepono. Patuloy pa rin ng pagluha ng kanyang ina. Luha ng pag-aalala at pagmamahal, sampu ng mga pagmamahal, naniniwala at sumusuporta kay Corn, mula sa kanyang mga models at kanyang make-up artist. Ang matinding pananampalatayang hindi kaylanman mag-iisa sa hamon ng buhay.
At si Corn ay mayroong mga pangarap, na pangarap din mga mamamayang Pilipino na kasalukuyang nakakalat sa buong mundo at may pagmamalaking sinasabing “Ako ay bahagi ng mga Pilipinong nagsisimula sa mababa upang maaabot ang rurok ng tagumpay, salamat sa mga aming pangarap na hindi tumatalikod sa pinanggalingan”. Nawa’y mahirap man maging realidad ang mga pangarap, ang sinumang hindi sinubukang maabot ang mga ito ay hindi kailanman naniwala sa mga pangarap na ito.
Pagpalain ka nawa ng Poong maykapal! (panayam at litrato ni: Stefano Romano, isinalin ni Pia Gonzalez)