in

Panunumpa ng Filipino Nurses Association of Tuscany – FNAT pinamunuan ni Honorary Consul Dr. Favio Fanfani

altFirenze – Naganap ang panunumpa ng 27 miyembro ng bagong tatag na samahan ng mga Filipino Nurses dito sa Firenze,Toscana noong Hunyo 19, 2011 sa pagdiriwang ng ika 113 anibersaryo ng ating kalayaan at paggunita ng ika 150 kapanganakan ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal sa Palazzeto Filarete, Firenze.  Itinatag ang samahan noong Abril 7, 2011, isang non sectarian, non profit at professional voluntary medical workers.  Ang pangunahing layunin nito ay upang matulungang maitaas ang imahe at kalidad at maipagpatuloy ang natapos na profession bilang mga Filipino Nurses dito sa Toscana o Italya.  Ito ay sa pamamagitan ng “riconoscimento del diploma” (equipolenza) ang pagkuha ng eksamen na ibinibigay ng Ministro del Salute.  Nakakalungkot isipin na 6 lang ang Registered Nurse sa kabuuang miyembro na nag tratrabaho sa mga medical institutions at 4 ang OSS o Operatorio Sanitaria Auito Infermiera. Layunin ding mapag isa ang lahat ng Nurses sa Toscana upang ipromote ang highest standard of professional practice, educational and cultural advancement and socio economic stability ng mga miyembro.  Nais din nilang magbigay tulong sa mga kababayan Pilipino sa pamamagitan ng mga payo at impormasyon para sa kalusugan upang makaiwas sa sakit o karamdaman.  Pingunahan ni Chairman REMELY ABRIGO ang grupo, siya ay 22 taon ng nagtratrabaho sa Instituto Fiorentino Di Cura e Assistenza bilang RN sa surgical,nerologic, orthopedic, cardiologic at medical ward.  Ipinanganak sa San Agustin, Alaminos, Laguna at nagtapos noong 1985 sa San Pablo Colleges Medical Center, School of Nursing at dito rin nakapagtrabaho hanggang sa siya ay dumating sa Italya noong 1989. Vice Chairman si MARIA VICTORIA RAMOS, Ass. Vice Chairman MHER CRUZIT DEL VALLE, Secretary KRISTINA RIVERA, Ass. Secretary VINA VENUS, Treasurer LILIBETH FRANCES, Ass. Treasurer MARIA ELENA PUNZALAN, Auditor BELLA BUENCAMINO At Ass. Auditor DOREEN PINEDA REYES.  Nagbigay ng libreng BP Control at GlucoseTest ang grupo sa naturang selebrasyon.  “Ako po ay nag-aanyaya sa lahat ng BSN Graduate dito sa Toscana upang makiisa at makipagtulungan sa asosasyon para sa ikakaunlad ng ating profession”, ayon kay Chairman Remely”. “Masaya kami sa grupo ngayon sa pagkatatag ng aming samahan dahil nagkaroon kami ng pag asa na makapag trabaho sa mga medical institutions dito sa Italya”,  wika  ni Mher Cruzit del Valle. 

Binati at pinasalamatan ni Ambasador Romeo Manalo ang naturang samahan sa kanilang magandang mithiiin at layunin upang maiangat ang estado ng mga Filipino Nurses sa Italya at ang pagtulong sa mga kababayan.  Nangako naman si Hon. Consul Dr. Favio Fanfani sa lahat ng papasa sa eksamen na ibibigay ng Ministro Del Salute na siya mismo ang tutulong upang makapag trabaho sa hospital.  Nagbigay din si Dr. Fanfani ng mga kagamitan o medical kit sa grupo. Ang samahan ay nakarehistro sa Ministro del Entrate ng Firenze.(ni: ARGIE  GABAY)

 

                                                                                      

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Direct Hire: Mga dapat gawin sa isang negatibong opinyon ng DPL dahil sa kita ng employer

Miss Pisa Jessalyn Salazar tinanghal na “Miss Teenage Princess 2011” ng Filcom, Empoli