Bahagi ng pagdiriwang ng Kalayaan 2019 sa Roma, sa tambalang KOR (Knights of Rizal) at PIDA (Philippine Independence Day Association), ang pagbibigay ng natatanging parangal para sa mga Pilipinong kabataan na nagtagumpay sa kanilang pakikibaka sa larangan ng edukasyon sa Italya. Mga kabataan na minsan nang nabanggit sa mga kataga ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na “Ang kabataan, ay ang pag-asa ng Bayan.”
Kabilang sina Ruthleen Hernandez, Dharlen Sherwin Curto, Rachel Manrique, Allen Magsino, Riccelyn Medrano, Robin del Rosario, Saturnino Binolo, Kevin Ierrie Mandawe, Rommel Padilla, Kevin Hernandez, Romulo Emmanuel Salvador at Kevin Sandoval.
“Sila ay ang mga Natatanging Kabataang Pilipino na pinarangalan sa mahalagang araw ng paggunita ng Araw ng Kalayaan dahil sa kanilang pinatunayang husay, talino, talento at pagiging ehemplo. Sila ay ang magiging gabay sa bagong henerasyon at ang kanilang yapak ang susundan ng mga mas nakababata sa kanila”
Ating bigyan ng papuri at pagkilala bukod sa mga kabataan ay ang kanilang mga magulang na hindi inalintana ang pagod, hirap, pawis at sakripisyo upang patuloy na masuportahan ang pangarap ng kanilang mga anak, na nagsukli naman ng kanilang pagtatapos na tunay na huwaran ng ating mga kabataan.