in

‘Parcheggiatore abusivo’ na Pinoy, inaresto sa Roma

Inaresto ng awtoridad ang isang 68 anyos na Pinoy na walang permanent address sa Roma matapos harangin umano nito ang trapiko sa piazza Benedetto Cairoli, Roma kahapon.

Ayon sa ulat, pati ang trasportasyong publiko ay inantala umano ng Pinoy dahil sa iligal na paghawak nito sa public parking space, o bilang ‘parcheggiatore abusivo’ sa lugar bilang hanapbuhay.

Pinatawan ng multa na nagkakahalaga ng € 771,00 dahil sa iligal nitong trabaho.

Ito ay bahagi ng malawakang pagkokontrol ng awtoridad sa sentro ng Roma.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong requirement ng Reddito di Cittadinanza para sa mga dayuhan, aprubado

Holy Stairs sa Roma, muling magbubukas sa April 11