in

Pasasalamat kay Lolo Kiko ng Sambayanang Pilipino sa Italya

Roma, Enero 26, 2015 – Tinatayang papalo sa higit sa 7,000 mga Pilipino ang nagtipun-tipon sa Vatican Square, sa Angelus ng Santo Padre kahapon bilang pasasalamat sa pagbisita nito sa bansang Pilipinas kamakailan. 
 
 
Matapos ang mainit at mapagpalang pastoral visit sa Pilipinas ng Santo Padre na may temang ‘mercy and compassion’,  ay tila ramdam na ramdam pa rin maging ng mga Pilipino sa Italya ang ‘Pope Francis’ effect’ pati ang ‘unli smile’ ng Papa; mga katagang sumikat sa araw ng pananatili sa Pilipinas ng Santo Padre kung saan naitala ang pinakamalaking bilang ng mga dumalo sa misa sa kasaysayan ng simbahang katolika.

 
Kaugnay nito, hindi pinalampas ng higit sa 7,000 mga Pilipino, sa pangunguna ni Monsignor Jerry Bitoon, ang unang Angelus ng Santo Padre sa kanyang pagbabalik sa Vatican upang iparamdam naman ang pasasalamat at pagmamahal ng mga Pilpino sa Italya. 
 
 
Nakatanggap po ako ng text message! Kaya po kinansel namin ang mga previous commitment namin para makasama today!”, masayang  kwento ni Marites sa akoaypilipino.eu habang bitbit ang Philippine flag kasama ang mga apo!
 
January 19, nang mag-post ng invitation si Monsignor Bitoon sa kanyang profile sa social network. Isa itong paanyaya ng mainit na ‘welcome back’ sa pamamagitan ng pagdalo sa Angelus, bitbit ang buong pamilya at ang bandila ng Pilipinas. 
 
Libu-libo ang nag-share ng kanyang post: ‘passaparola’ kung tawagin sa wikang italyano! Dahilan ng pagsugod ng ating mga kababayang Pilipino; matanda at bata; mula sa simbahan hanggang sa mga hometown association, Filipino communites, cultural organizations at sports associations hindi lamang sa buhat Roma kundi maging buhat pa sa mga karatig lugar tulad ng Empoli, Terni, Napoli at iba pa. 
 
I have not expected such a kind of enthusiastic response. This is surely part of the so-called "POPE FRANCIS' EFFECT" that has electrified our countrymen, braving the rain, cold, thirst and hunger, just to have a 2 to 3 seconds of glimpse of the Pope. It's now here in Rome!!!”, masayang kwento naman ni Monsi. 
 
Sa katunayan, sa harapan ng higit 15,000 katao sa Vatican square kahapon ay partikular na binanggit ng Santo Padre sa kanyang mensahe ang mga Pilipino sa Roma: 
 
In particolare, saluto la comunità filippina di Roma. Carissimi, il popolo filippino è meraviglioso, per la sua fede forte e gioiosa. Il Signore sostenga sempre anche voi che vivete lontano dalla patria. Grazie tante per la vostra testimonianza! E grazie tante di tutto il bene che fate da noi, perché voi seminate la fede da noi, voi fate una bella testimonianza di fede. Grazie tante!
 
 
Partikular kong binabati ang komunidad ng Pilipino sa Roma. Mga minamahal, ang sambayanang Pilipino ay kahanga-hanga, matibay at masigla ang kanilang pananampalataya. Nawa, kayo na malayo sa inyong sariling bansa ay palaging gabayan ng Panginoon. Maraming salamat sa inyong patotoo! Salamat din sa inyong mga mabuting halimbawa dahil kayo ay naghahasik ng pananampalataya, isang mabuting patotoo ng pananampalataya! Maraming salamat!
 
Matatandaang ilang beses ding binanggit ng Santo Padre ang mga filipino overseas sa kanyang mensahe sa Pilipinas, partikular sa kanyang mensahe sa Malacanang. Bukod pa ang pagsasabing maraming kaibigang Pilipino sa Roma. 
 
Baon ang pananampatalaya, ay walang takot na sinugod ng Santo Padre ang kauna-unahang bagyo sa kanyang buhay, ang bagyong ‘Amang’ na kasabay ng mga nananampalataya ay sumalubong sa kanya sa Tacloban. Sa kanyang pagbabalik sa Roma, tayong mga Pilipino naman, baon ang tuwa at pasasalamat ay sinalubong sya sa kanyang unang Angelus matapos ang biyahe sa Asya. 
 
Nakakaluha sa kasiyahan, nakakataba ng puso, pero punong puno ng paghamon. Salamat Papa Francesco", sa pagtatapos ni Monsi – Isang hamon ng pagiging mabuting halimbawa na maghahasik ng pananampalataya!
 
 
PGA
larawan ni: Dexter Gonzalez
at Gigi Librador Borromeo 
 
 
 
 
 
 
 

 

 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship application online, malapit na!

Halaga ng kontribusyon sa taong 2015