in

Pasko ng Pagkabuhay: Sinalubong ng Pinoy Youth in Pistoia ng One Day League

Sa pangunguna ng Pinoy Youth in Pistoia o PYP ay nagkasama-samang muli ang mga kabataan larangan ng sports . 

 

Mayo 2, 2017 – Bilang tugon sa kahilingan ng mga kabataan na magkasama-sama at magkaharap na muli sa larangan ng isports, sa ika-limang pagkakataon ay isinagawa ang isang araw na palaro o mas kilala ng lahat sa tawag na One Day League, sa pangunguna ng mga samahan ng kabataan sa Pistoia o PYP (Pinoy Youth in Pistoia) noong ika-16 ng Abril 2017. 

Ang nasabing paliga ay idinaos sa Monteoliveto gymnasium ng Pistoia, Tuscany at nilahukan ng tig-aapat na team para sa Basketball, Volleyball Boys at Volleyball Girls. 

Ang One Day League ay nabuo at naisakatuparan sa pagsasanib puwersa ng lahat ng mga kabataan ng Pistoia at ng pamunuan ng PIP/SFACC (Pinoys in Pistoia/San Filippo Apostolic Catholic Church), samahan ng mga Pilipino sa lungsod ng Pistoia, sa pangangalaga ng butihing Coordinator na si Marlon Rivera Sampang. 

Isa sa mga layunin ng ebento ay ang mapaunlad ang samahan ng mga Pilipino sa Pistoia at mapaigting ang pagkakaibigan ng mga kabataan. 

At ang hindi mawawala sa mga pagtitipon ng mga Pinoy, ginanap din ang banal na misa sa pangunguna ni Fr. Reynolds Corsino. 

Sobrang saya at galak ang naramdaman ng lahat ng nakiisa, naglaro at nakilahok sa pagtitipon na ito lalong lalo na po ang mga team na nagsipagwagi. WHITE Team para sa Basketball, ang ELLAMADANA Team para sa Volleyball Boys at LAGUNA Team para naman sa Volleyball Girls. 

Isa na namang accomplishment para sa mga PYP ang nasabing liga dahil sa maayos, mapayapa at matagumpay itong nairaos. 

 

ni: Jocelyn Flores Sampang

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pangangalap ng pirma laban sa Boss-Fini law, sinimulan kahapon

Bonus mamma domani, aplikasyon simula May 4