in

Passport validity extension, may pahintulot na ang mga Philippine Consular Officers

Passport validity extension, may pahintulot na ang mga Philippine Consular Officers.

Lahat ng mga Philippine Consular Officers ay pinahihintulutan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magbigay ng validity extension hanggang 1 taon sa mga pasaporte na malapit na ang expiration. Ito ay bilang pagtugon sa pangangailangan sa dokumentasyon ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya.

Ito ay ayon sa isang Advisory na pirmado ni Consul General Fabio Fanfani ng Philippine Consulate General in Florence na may petsang Marso 8, 2021. 

Ayon pa sa Advisory, maaaring mag-aplay ng passport validity extension ang mga sumusunod: 

  • Filipino citizen,
  • Naninirahan sa ilalim ng hurisdiksyon ng Philippine Consulate in Florence tulad ng Toscana, Umbria, Marche at San Marino. 
  • Ang validity ng naturang pasporte ay nalalapit na ang expiration.

Gayunpaman, ipinapaalala ng Consulate na ang passport validity extension ay maibibigay lamang sa mga pasaporte na nananatiling balido pa at hindi mabibigyan ng extension ang mga pasaporte na expired na. Bukod dito, ang extension ay maibibigay lamang ng Konsulado ng isang beses. Kung ang aplikante ay muling mangangailangan ng re-extension, ay tanging ang Embahada lamang ang makakapag-bigay nito.

Ang passport validity extension ng Philippine Consulate in Florence ay magsisimula sa March 15, 2021. Ipinapaalala sa mga aplikante ang appointment system. Mag-email lamang sa consphilflorence@gmail.com o kaya’y magpadala ng message sa WhatsApp sa numero 3668255478, para sa inyong appointment.

Ang passport validity extension ay nagkakahalaga ng € 18,00. 

Narito ang application form

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halaga ng Repatriation, tumaas sa € 1,905.00

Ako-ay-Pilipino

Posibleng pagbabago sa kasalukuyang DPCM, pinag-aaralan