Sa ika-apat na pagkakataon ay nagbabalik ang mga PBA Legends sa Italya.
Roma, Disyembre 27, 2016 – Sa pangunguna ng Jao’s Cup, muli ay makakapiling ng mga Pinoy sa Italya ang mga PBA legends ng dekada 90, partikular sina Vince “The Prince” Hizon, Jojo “Jolas” Lastimosa at Allan “The Trigger Man” Caidic.
Sa January 6, sa Palatorrino Gym, matatagpuan sa Via Fiume Giallo 47, ay may pagkakataon ang mga over 40s na makahalubilo o matalo kaya, sa exhibition game ang mga PBA legends.
Bukod sa selfie picture kasama ang mga tanyag na basketbolista ay makakatanggap ng tropeo, medalya, jersey uniforms at cash price ang papalaring mananalo sa championship.
Samantala, sa January 8 naman ay gaganapin ang Jao’s cup sa Florence.
“Iniimbitahan po ang lahat sa darating na January 6,2017 para sa PBA LEGENDS in ITALY IV para sa unang proyekto ng nalalapit na JAO’s cup 25th anniversary project sa kalahatian po ng papasok na taon. Asahan po ninyo ang marami pang susunod na proyekto ang Jao’s cup”, anyaya kasabay ang panagko ni Jeff Ocampo, ang founder organizer ng Jao’s cup.
“Sana po ay patuloy na suportahan ninyo hindi lang ang Jao’s cup kung hindi ang lahat ng nagsasagawa ng sports activities sa Roma at buong Italya para kahit sa ganitong bagay ay makatulong lalo sa mga kabataan na magkaroon ng malusog na pangangatawan at maiiwas sa masamang bisyo lalo sa panahon na ‘to”, pagtatapos ni Jeff.
Para po sa higit na impormasyon, tumawag lamang sa numero 380-1257610.
Jao’s Cup
Ang Jao’s cup ay nagsimula noong March 29, 1992.
“Ako ay 16 anyos ng magkaroon ng unang palaro ng Jao’s cup. Noong una ito ay Baranggap SK League at hindi nagtagal ay naging independent league na rin. Mula baranggay league ay hinawakan ko na rin ang Manila Inter City, Inter School, Inter Commercial at hanggang makarating ako sa Italya, hinanap hanap ko ito kaya nagpatuloy ako sa pag-oorganize ng mga liga”, masayang kwento ni Jeff sa Ako ay Pilipino.
Aniya bukod sa makapagpasaya ng mga ofws na malayo sa sariling bansa at mga pamilya ay pangunahin layunin ng mga proyekto ay maiiwas sa masamang bisyo ang mga Pilipino partikular mga kabataan.
Mayroon ding kaakibat na proyekto sa Pilipinas ang bawat liga sa Roma. Bagaman ito ay lingid sa kaalaman ng mga manlalaro, hindi nalilimutan ni Jeff ang itulong sa mga nangangailangan ang prutas ng Jao’s cup.
Kwento pa ni Jeff, siya ay galing sa pamilya na mahilig talaga sa sports. Silang magkakapatid ay aktibo sa sports at aniya napalakaing bagay ang maipagpatuloy ng bawat isa ang kanilang nasimulan.
Basahin rin:
Bal David at Marlou Aquino, naglaro ng basketball sa Roma
Jao’s Cup with PBA Legends, nagbalik!
Ginebra at Purefoods legends, nagbalik sa Roma