Naging mahalagang bahagi ng programa ang Basic Membership Seminar at ang Oath taking ng mga elected officers.
Mayo 25, 2017 – Dinaluhan ng 25 katao ang ginanap na paglulunsad ng PDP Laban Southern Italy Chapter noong nakaraang linggo May 21, 2017 sa SGM Conference Center sa Roma, kabilang si PDP Northern Italy Chapter Coordinator Anthony Harper ng Milan.
Naging mahalagang bahagi ng programa ang Basic Membership Seminar at ang Oath taking ng mga elected officers.
Bukod sa paglulunsad, layunin ng pagtitipon ang gawing higit na responsabile at kaakibat sa pagbabago ng ating Inang bayan ang mga opisyales at miyembro ng bagong chapter sa pamamagitan ng panauhing pandangal na si Atty. Ryan L. Esteves, Undersecretary in the Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) at kasalukuyang Chairman ng Livelihood Committee ng PDP Laban na nagbuhat pa sa kanyang biyahe mula Germany.
Si Usec Ryan ay nagbigay ng higit na kaalaman ukol sa limang pangunahing prinsipyo ng PDP Laban (1. Theism 2. Authentic humanism 3. Enlightened nationalism 4. Democratic centrist socialism 5. Consultative and participatory democracy) na syang magiging gabay sa aktibong partisipasyon sa partido ng bagong tatag na grupo.
Bukod dito ay nagbigay din ng mas malalaim na kaalaman ang panauhin ukol sa “Federalism”.
“Isang kasaysayan ang nangyari sa araw na ito dahil sa nangyaring pagtatayo ng tsapter ng Partido Demokratiko Pilipino sa Italya ay una sa lahat na nangyari sa labas ng ating bansa. Bahagi na tayo ngayon ng namumunong partido sa ating bayan, sa kongresso at senado, at dapat lamang na maging masigasig ang bawat isa sa atin sa pagsusulong ng mga misyon at pananaw ng Partido Demokratiko Pilipino“, ayon kay Secretary General Demetrio Ragudo Rafanan.
“Tuluyan nating gawin ang mga responsabilidad bilang kasapi upang maging karapat-dapat na kasapi sa nag-iisang partido Pilipino na nagsusulong ng tunay na reporma sa kultura-politika, ekonomiyang pang-sosyal para ang ating bayan ay umunlad at maging mapayapa. Gayundin na dito sa PDP LABAN ay kailangang magtutulong-tulong tayo na hubugin ang bawat isa, palakasin ang mahina upang pare-parehas tayong gumanda ang katayuan sa buhay, walang maiiwanang nag-iisa.” Luis Salle President PDP-LABAN Southern Italy Chapter.
Ito naman ang mensahe ni JOSE ANTONIO E. GOITIA Executive Director, Pasig River Rehabilitation Commission Vice Chairman, International and OFW Affairs Committee, PDP Laban.
“In behalf of the Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan and in my capacity as Vice Chairman of the PDP Laban International and OFW Affairs Committee, I take pride in congratulating all of you for your firm determination to unite and join the Philippines’ one and only discrete political party promoting genuine socio-economic, cultural and political reforms.
Today, as you undergo the Basic Membership Seminar, and as you take your oath of allegiance thereafter, you are transformed into responsible agents of change. It now behoves on your shoulders the tough task of nation-building and shaping the future of our nation.
I hope you understand fully well the philosophy behind our Party’s Five Basic Principles, which we ask you to inculcate in your hearts and practice as a way of life. Participate actively in the various undertakings of our Party.
Atty. Ryan Asaki Esteves, Undersecretary in the Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) and Chairman of the Livelihood Committee of PDP Laban, is one of our renowned Party resource speakers. He will be there with you to superbly discuss everything you need to know about PDP Laban and “Federalism”. I therefore ask you to extend to him your open support and esteem. Finally, I hereby convey the felicitations that your counterparts in the Philippines wish to extend to all of you for a job well done. Congratulations, More Power, and keep the good work.”
Partido Demokratiko Pilipino Southern Italy Chapter
Coordinator: Helen Mendez Gatigan
President – Luis Salle
Vice President – Raul Campo
Secretary General – Demetrio Ragudo Rafanan
Deputy Secretary – Natividad Realin Rabino
Committee Chairperson Membership Chairperson – Juliet Alcaraz
Deputy Chairperson – Dominador Ramilo Jr.
Education Chairperson – Fe Marie Lorenzana
Deputy Chairperson – Karen Bernadeth Belleza
Finance – Digna Andrin
Deputy Chairperson – Janet Rafanan
Livelihood – Nino Gunda
Deputy Chairperson- Oscar Mariano
Legal Affairs – Jojo Villanueva
Deputy Chairperson – Marcelino Gonzalo
Youth Affairs – Ina Lorenzana Macagba
Deputy Chairperson – June Estrada
Public Information – Rhovelyn Montero
Deputy Chairperson – Editha Artates
O.F.W – Helen Getigan
Deputy Chairperson – Melanie Rapisura