in

PE Rome, nag-paalalang muli ukol sa permit to stay ng mga anak na 14 anyos

Nagpalabas muli ang Philippine Embassy sa Roma ng isang mahalagang paalala sa mga magulang na Pilipinong naninirahan sa Italya.

 

Roma, Marso 27, 2017 – Muling nagpalabas kamakailan ng isang mahalagang paalala ang Philippine Embassy sa Roma para sa mga magulang na Pilipinong naninirahan sa Italya.

Ito ay ukol sa pagkakaroon ng bukod na permit to stay ng mga menor de edad mula sa kapanganakan. Partikular, isang mahigpit na paalala sa mga magulang na Pilipino na obligadong magkaroon ng bukod na permit to stay ang mga anak sa pagsapit ng 14 anyos na hinihingi na batas sa Italya.

Matapos ang sunud-sunod na report ng mga menor de edad na tinanggihan ang paglipad pabalik sa Itaya, matatandaang nagpalabas ng naunang paalala ang Embahada noong nakaraang Nobyembre 2016.

Muli ay nagpapaalala ang Embahada na ang mga dependent children sa pagsapit ng 14 anyos habang nasa bakasyon sa Pilipinas at walang bukod na permit to stay ay nanganganib na tanggihan ang pagbalik sa Italya. Tanging solusyon ay ang mag-apply ng re entry visa sa Italian Embassy, bigay-diin sa paalala.

Gayunpaman, upang maiwasan ang ganitong pagkakataon – ayon pa sa paalala – ay hinihikayat ng Embahada ang mga magulang na siguraduhin ang pagkakaroon ng mga menor de edad na anak ng angkop na permit to stay sa pagsapit ng 14 anyos bago pa man lumabas ng bansang Italya at magbakasyon sa Pilipinas.

Mangyaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o Questura bago magbakasyon o lumabas ng bansa.

Related articles:

Anak na 14 anyos, dapat bang mayroong individual permit to stay?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

POLO Milan, nagpalabas ng mahahalagang paalala ukol sa Decreto Flussi 2017

KOR Italy, dumalo sa ika-21 International Assembly at Conference ng Knights of Rizal