in

Pechino Express 2017, sinimulan sa Mabini Batangas

Ang ika-anim na edisyon ng Pechino Express, isa sa pinakamalaking travel adventure reality show sa Italian television ay sinimulan sa Mabini Batangas. 

 

Ang isa sa pinakamalaking travel adventure sa Italian television ay muling nagbalik sa mga tahanan sa Italya. At sa ika-anim na edisyon, ang walong grupong kasali sa kumpetisyon ay haharapin ang everyday on the road challenges sa bagong destinasyon nito, ang Asya, partikular ang Pilipinas, Taiwan at Japan. 

Sa katunayan, sinimulan kagabi ang Pechino Express. Bumaha ang iba’t ibang social network ng mga Pinoy sa Italya sa tuwang mapanood ang sinusubaybayang tv transmission na ginanap mismo sa kanilang sinilangan lugar, ang Mabini Batangas kung saan karamihan ng mga Pinoy sa Italya ay nagmula.

Higit sa lahat, tuwang-tuwa ang mga Pinoy sa Italya sa ipinakitang natatanging pag-uugali ng mga Pinoy sa Pilipinas, ang pagiging generous at hospitable. Sa katunayan, ito ang sumalubong sa mga ‘concorrenti’ na ikinatuwa at ikinagulat nila. Sa mga sumusubaybay ng reality show, matatandaang karaniwang hindi madali ang nagiging pagtanggap sa mga contestants na walang dalang salapi at kahit na anong pagkain sa mga bansang pinupuntahan. Lahat ay batay sa malugod na pagtanggap, pagtitiwala at pagtulong sa mga contestants ng mga mamamayan ng host country hanggang sa pagsapit ng hatinggabi kung saan sila mismo ang maghahanap ng kanilang libreng matutulugan. 

Majuben boy, Ronald (Tat ) Silva nakita namin sa Pechino express Italian Tv Program. “nakakatuwa ang mga kababayan natin, very hospitable talaga at ang babait pa. Yan ang mga pinoy”, ayon sa post ni Lorena Castillo, tubong Anilao Batangas 

Bukod dito, kapansin-pansin din ang unang task na ibinigay ni Costantino della Gherardesca, ang host ng nabanggit na reality show. Ayon kay Costantino “Karamihan ng mga Pilipino sa Italya ay iniwan ang sariling bansa para sa mas magandang kinabukasan ng mga pamilya sa Pilipinas”. At bilang pasasalamat sa libu-libong mga Pinoy sa Italya na nagta-trabaho ng tapat at buong sipag bilang ‘domestic workers’, ang mga contestants ay naglinis sa tahanan ng mga pamilyang unang binisita nila sa Mabini na naging susi upang kanilang matunghayan ang pag-uugali at tradisyong mayroon ang host country. 

Hindi alintana kung bata, may edad, pamilya, mahirap, may kaya, pulisya, government official o tv personality man, ang bawat ngiti ng mga Pilipino sa mga panauhin ay katumbas ng malugod na pagtanggap at tulong sa kanila, ito man ay isang reality show o tunay na buhay. 

Il sorriso degli orientali è meraviglioso genuino.. pur essendo un continente di gente più povera e con problematiche economiche, dobbiamo imparare da loro la semplicità e l’umiltà, valori che da noi sono quasi scomparsi!”, ayon kay Luca Zamboni sa kanyang sa comment sa social network!

Gayunpaman, ito ay simula pa lamang ng kanilang travel adventures sa Pilipinas! Matutunghayan rin ang magiging karanasan sa Maynila ng walong grupo ng mga mga contestants! Abangan! 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ius soli, hindi pa rin tatalakayin sa Senado ngayong Setyembre

Pinoy gang, timbog ng pulisya sa Roma