in

Pelikulang Migrante (The Filipino Diaspora), sinuportahan ng mga OFWs sa Italya

Roma – Abril 22, 2013 – Mainit na sinuportahan ng mga OFWs sa Italya ang pagpapalabas ng pelikulang Migrante (The Filipino Diaspora).  Mula sa Messina, Milan, Modena hanggang sa Roma ay ipinalabas ang nasabing pelikula na hatid ng Xiti Productions. Ang nasabing pelikula ay personal na sinamahan ng Xiti operation’s manager na si Ms. Juliet Gregorio.

Ipinalabas sa Roma noong ika-14 ng Abril 2013 ang nasabing pelikula bilang bahagi ng mga gawain ng pagtulong ng UMANGAT-MIGRANTE at MIGRANTE PARTYLIST ROME sa mga naging biktima ng kalamidad sa Pilipinas sa pamamagitan ng Sagip Migrante Project ng Migrante International.

Karamihan sa mga nakapanood ay hindi napigilan ang pagbaha ng kanilang luha sa simula’t hanggang sa katapusan ng mga eksena lalong-lalu na ang eksena ng paglayo ni Frida (ang bida) na ginampanan ni Ms. Jodi Sta. Maria sa kanyang tatlong maliliit na mga anak upang makipagsapalaran sa ibang bansa upang itaguyod ang kapakanan, kagalingan at kinabukasan ng kanyang pamilya sa gitna ng matinding kahirapan na nararanasan sa ating bayan. Ito rin ang tiyak na dahilan kung bakit din tayo sapilitang nangibang bayan.

Makabagbag damdamin din ang eksena sa ginawang paghalay kay Frida ng kanyang among Jordanian diplomat na kung saan dahil sa pagtatanggol sa kanyang sarili ay hindi sinasadyang napalo nito ng kandelabra ang nasabing amo at naging daan para siya ay makatakas at makahingi ng tulong sa mga organisasyon ng mga OFWs gaya ng Migrante International.

“Malinaw ang mensaheng napapaloob sa pelikulang ito – ayon sa Umangat-Migrante. Labag sa kalooban ng mga Pilipino ang mangibang bansa dahil walang sinuman ang may nais na mapalayo sa kanyang mga mahal sa buhay. Subalit napipilitang gawin ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga pamilya.”

Umangat-Migrante

Nagpapahiwatig ang pelikula ng kahalagahan ng pagkakaroon ng masasandigang organisasyon ng mga OFWs. Ang dinaranas na pangangailangang pinansyal, emosyonal, sikolohikal at kultural na nagdudulot ng iba’t ibang suliranin tulad ng kalungkutan, pagkawask ng pamilya, pangungulila, pagkapariwara ng mga anak, pagkakalubog sa utang, pagpasok sa trabahong malayo sa kanilang pinag-aralan, diskriminasyon at panlalait. Mga dahilang nagtulak sa ilang migranteng Pilipino upang itatag ang samahang Ugnayan ng mga Manggagawang Migrante tungo sa Pag-unlad, kilala bilang Umangat-Migrante, na nagdiwang ng makabuluhang ika- 15 anibersayo  noong nakaraang Marso 24, 2013 sa Gran Madre di Dio Filipino Community sa Ponte Melvio, Rome, Italy. Kasabay ding  ipinagdiwang ang ika-14 na anibersaryo ng Ugnayan sa Himpapawid Radio Program.

Layunin ng nasabing samahan ang itaguyod at ipagtanggol ang karapatan at kagalingan ng mga manggagawang migrante at ang kanilang pamilya. Gayun din ang maglunsad ng mga pag-aaral ng mataas na kamulatan kaugnay sa kalagayn ng mga migrante. Ang mga pagkilos at kampanya na maghihimok sa aktibong paglahok sa pagpapasiya at lalong higit ang pahigpitin ang ugnayan ng iba’t ibang samahan ng mga Pilipino at ibang lahi sa loob at labas ng bansang Italya.  

Sa pamamagitan ng mga nakaraang pangulo na sina Linda Balmes Yantoc, Vic Salloman at Ana Brussola Reyes, ay sinimulan at nagpatuloy ang pakikibaka ng grupo tulad ng pagsusulong ng Migrante Party List mula pa noong 2002, ang kilos protesta ukol sa passport fee, ang pagtutol sa Circular 64 kung saan nasasaad ang pagtatanggal ng middle name at ang pagsusulong sa Bilateral Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Italya ukol sa pensyon at marami pang iba.

Sa pagtatapos ni Teddy Dalisay, ang kasalukuyang Pangulo ng Umangat-Migrante, “ang bawat isa ay maaaring pansinin ang mga pagkukulang ng samahan na maaaring punan at ipatupad kung ang layunin ay sa ikabubuti ng mga migrante at ng kanilang mga pamilya”.

 

Muli ay ipinapaabot ag UMANGAT-MIGRANTE AT MIGRANTE PARTYLIST ROME, ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga nanonod at sumuporta sa isang matagumpay na pagpalabas ng pelikulang – MIGRANTE: The Filipino Diaspora, gayun din sa paniniwala sa mga hangarin at layunin ng buong samahan. (ulat ni PG at larawan ni: Stefano Romano)

CHAIRMAN – TeodoroMaranan Dalisay, 

VICE CHAIRMAN – Belarmino Dabalos Saguing,     

GENERAL SECRETARY – Alexander B. Reyes,    

TREASURER – Jose P. Mariano,    

AUDITOR – Nimfa Sanigan    

KOMITE

*Edukasyon  – Fr. Aris Diez Miranda, Ana Buendia Brusola

*Radio/Komunikasyon – Edgardo Bonzon

*Network/ Membership – Rowena Manuel Flores 

*Women/Youth – Virgie Ilagan Reyes

*Program – Toni Losito, Belarmino Dabalos Saguing, Luis Salle

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Cittadinanza italiana per nascita nel territorio italiano. Come funziona?

Design Philippines to Euroluce: Bringing the Art of the Craftsman to Milan