in

Pelikulang Pilipino, itinanghal sa Moviemov 2013

Bounday, Kamusta Kayo? Dr. Jose Rizal at Nuwebe, itinanghal sa Moviemov Italian Film festival sa Roma.

Roma, Setyembre 23, 2013 – Itinanghal sa Opening Night ang pelikulang “Boundary” ng kilalang Filipino film maker Benito Bautista sa ikatlong taon ng Moviemov Italian Film Festival 2013. Ginanap sa Palazzo delle Esposizioni, Rome noong nakaraang September 13-15.

Buong karangalang ipinalabas ang pelikulang “Boundary”, ang pinaka-huling pelikula ni Benito Bautista na pinarangalan bilang Best Film sa ginanap na 2011 Cinemalaya Independent Film Festival sa Maynila. Ang pelikula ay naglarawan ng tunay na buhay ng mga taxi drivers sa kalakhang Maynila. Kabilang ang “The Gift of Barong: A Journey From Within, Samuel over the Rainbow” sa mga award-winning documentary films ni Benito Bautista.

Ang mga pangunahing karater sa nasabing pelikula ay sina Limuel, isang taxi driver at si Emmanuel, ang kanyang pasahero mula Maynila na patungong Antipolo. Sa tila walang-hanggang na biyahe ng dalawa tumutok ang nasabing pelikula na nagbigay ng magkahalong emosyon ng drama, suspense gayun din ng mga katawa-tawang eksena ang umaliw sa mga manonood dumalo ng festival.

Panauhing pandangal sa nasabing film festival ang dating Mayor ng Roma Valter Veltroni, ang Embahada ng Pilipinas sa pangunguna ni Ambassador Virgilio A. Reyes Jr., at mga kilalang pangalan sa larangal ng ispetakulo at pelikula.

Naging mahalagang bahagi rin ng Opening ceremonies ang presentasyon ng isang pelikula na pagbibidahan ng mga kilalang local artists tulad nina Benjamin Vasquez, Lorelyn Abanico, Mark Mitsuo Zepol Epsorog, Chase Dasalla, Alona Cochon at Vinci Joel Cochon at sa direksyon ni Andrea Bosca ang mapapanood sa Italya.

Ang “Kumusta Kayo, Dr. Jose Rizal?”, isang shortfilm ay ipinalabas rin sa ginanap na Asian New Wave. Sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Italya, kasama ng artist na si Count Federico Wardal at ng Filipino-American Director Jason Zavaleta ay naisakatuparan ang pelikulang naglalahad ng makasaysayang tula ni Dr. Jose Rizal ““Mi Ultimo Adios” sa wikang italyano.

Ipinalabas rin ang pelikulang “Nuwebe” ni Joseph Israel Laban na naglalarawan sa totoong buhay ng isang dalagang-ina sa edad na 9 na taong gulang matapos pagsamantalahan ng sariling ama. Si Krista, ay isang karakter na sa kabila ng pinagdaanang hagupit ng tadhana at nakikipagsapalarang malampasan ang pait ng nakaraan.

Samantala sa Closing ceremony ng festival ay inanunsyo sa publiko ang nalalapi na pagpapalabas ng mga pelikula ni Lino Brocka, Eddie Romero, Ishmael Bernal at Peque Gallaga. (larawan ni: Stefano Romano)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Milan based OFW wins Pag Ibig’s major raffle for August

Fondo integrazione: prorogata al 10 ottobre la scadenza per le domande