in

PGEU, Nagdaos ng Kauna-unahang English Festival sa Roma

Tampok sa English Festival ay ang Battle of the Brains na nilahukan ng mga Filipinong mag-aaral.

 

Roma, Mayo 31, 2016 – Inilunsad kamakailan sa Roma ang kauna-unahang English Festival ng Pinoy Guro EU. Sa pangunguna ng PGEU President at CEO na si Mr. Don Harmel Tatel II, isinigawa ang nasabing festival noong Linggo, ika-22 ng Mayo, 2016, na may temang Developing Young Minds, Creatng Brilliant Ideas.

Tampok sa naturang ebento ang Battle of the Brains kung saan nagkaroon din ng Quiz Bee competition na nilahukan ng mga mag-aaral ng Cambridge Young Learners English Program, isang  programa ng PGEU na nahahati sa Starters, Movers at Flyers.

General Information, Current Events, Science, Math, Philippine History at Grammar ang anim na kategorya na bumubuo sa naturang kompetisyon. Mayroong 10 tanong sa bawat isa sa tatlong rounds at ang mga ito ay buong husay na sinagot ng mga kalahok.

Ang anim na grupo na lumahok sa English Festival ay ang mga sumusunod:

Blah Blah Team

People’s Choice Team

The Dreamers

ALS Angels

ALS Warriors

 

Itinanghal na 1st place winners ang Blah Blah Team na binubo nina Mary Joy Mendoza, Aaliyah Perreras at Genie de Castro. Pumangalawa naman sina Aaron Justice Perreras, Esha Rizelle Pilac, Lara Therese Ramosa ng ALS Warriors. Ang ikatlong puwesto naman ay nasungkit ng ALS Angels na kinabibilangan nina Joy Clarize Abad Janine Bayhonan at Mikaela Mari.

Tumayong Quiz Master ng event si Miss Nimfa Vedrero habang ang mga nagsilbing emcee ay sina Miss Antonette Morales at Mr. Owen Buttel.

Ang mga hurado naman ay binubuo nina Mr. Alvin Umahon, ABS CBN Corrrespondent, Prof. Imelda Jumarang, PGEU Consultant, Dr. Jessica Noche, Trinity College ESL Teacher at Dr. Noli Sta. Isabel na isang Filipino Actor at Fashion Designer na sa kasalukuyan ay nakabase sa Roma.

Layunin ng Pinoy Guro EU na sa pamamagitan ng mga ganitong klaseng gawain ay mahimok ang mga kabataang Filipino na pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral at maipamalas ang kanilang husay hindi lamang sa Roma, kundi maging sa ibang lugar sa Italya.

Ayon kay Mr Don Tatel, “Hindi hadlang sa pag-aaral ang bansang kinaroroonan dahil kahit saan man tayo makarating, dapat nating isaisip na ang edukasyon ay isang kayamanang sandata natin sa ano mang hamon ng buhay”.

Ang Pinoy Guro EU ay isang community based educational organization na tumutulong sa mga imigrante upang mabigyan ng sapat na kasanayan, skills development at edukasyon.   Naglalayong din na paglingkuran ang mga sektor na hindi kayang abutin ng tradisyunal na sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng Alternative Learning System at Open Distance Learning Program. Isa sa mga sektor na ito ay ang mga out-of school youth (OSY) sa Italya.

Isa sa mga programa ng PGEU ay ang pag tuturo ng wikang Ingles, Philippine Cultural Education Program – Introduction to Filipino History, Culture, Values and Language at Values Education sa mga kabataan.

Ang Pinoy Guro EU ay matatagpuan sa Via Ostia 28 Ottaviano Metro. Sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa 3881679729 o sa kanilang Facebook account na Pinoy Guro EU.

 

 

ni: Aileen Bacuyag

larawan ni: Jacke de Vega 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

35,000 posts ng Civil Service, kasama rin ang mga kabataang dayuhan

18 Stranded Pinoy Seafarers sa Venice, makakauwi na ng Pilipinas