in

Philippine passport renewal, 7 buwan hanggang 1 taon bago ang expiration

Sa isang Pabatid mula sa Embahada ng Pilipinas ay pinapayuhan ang lahat ng mga Pilipino sa Italya na mag-apply ng passport renewal pitong buwan hanggang isang taon bago ang expiration date ng mga pasaporto.

Ayon pa sa Pabatid, ito ay dahil wala ng passport validity extension sa lahat ng mga Embahada at Konsulado ng Pilipinas. At ito ay alinsunod sa regulasyon ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

Sa katunayan simula noong nakaraang buwan ng Oktubre, ayon sa Advisory ng DFA sa website nito, ay hindi na pahihintulutan ang extension.

“As of October 2019, the DFA no longer offers extension of ePassport validity pursuant to the standards set by the International Civil Aviation Organization (ICAO). Passport holders are recommended to renew their passports at least one year before the date of expiry”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘Benvenuti a Milano’, inilunsad!

25 anyos na Pinoy, umamin sa pagsaksak at pagnanakaw sa Cuneo