in

Philippine team, sasabak sa Karate Martial Arts World Cup sa Montecatini Terme

Kasali ang Pilipinas na sasabak sa gaganaping World Karate Martial Arts Organization World Cup sa Montecatini Terme sa Nobyembre.

Binubuo ng 60 katao – kabilang ang 3 Coaches, Players: kata at kumite, mga opisyales at muse at flag bearer – ay determinado ang delegasyon ng Philippine Team na sasabak sa World Cup.

Una ay pasasalamat sa Panginoon sa biyaya at salamat sa pagtitiwala na sa pangatlong pagkakataon ay kami po ulit ang kanilang inatasan maging kinatawan ng Pilipinas”. ayon kay Maestro Dante Atajar.

Sa pamamagitan ng isang Appointment Letter, sa ikatlong pagkakataon ay itinalaga ng World Karate Martial Arts Organization o WKMO Philippines si maestro Dante at ang mga atleta sa Italya, sa pangunguna ng Black Squadron bilang rapresentante sa nalalapit na World Cup sa Nobyembre.

Kung noong nakaraang taon ay 17 bansa ang naglaban-laban sa Spain, ngayong taon ay tinatayang 30 bansa ang maglalaban laban sa nasabing kumpetisyon.

Ang Philippine team ay kasali sa iba’t ibang kategorya: Children A – 6 to 8 yrs old; Children B – 9 to 10 yrs old; Children C – 11 to 12 yrs old; Children D – 13 to 14 yrs old; Cadets – 15 to 17 yrs old at Junior 18 to 20 yrs old.

Katulad po ng dati puspusan ang training at sakripisyo. At ngayong taon, ay hindi lang Black Squadron, lahat ng mga atletang Pinoy dito sa Italya ay aking inanyayahan. At isa na po dyan ang Shotokan 2100, sa pamumuno ni Maestro Alex Deomampo”, kwento ni Maestro.

Bagaman masaya at puno ng pag-asa si Maestro, may kahilingan siya hindi para sa kanyang sarili bagkus para sa mga batang atleta.

Kahit alam ko na kulang sa pondo, sana kilalanin at biqyan naman ng pansin ang ginagawang sakripisyo ng mga batang ito na nag-uuwi ng medalya at karangalan sa bansang Pilipinas” aniya.

Bukod dito, lubos din ang pasasalamat ni Mastero Dante sa  mga Pilipino sa Italya sa walang sawang suporta sa Black Squadron at sa Philippine delagation.

Syempre salamat din po kay Mam Gretchen Malalad, Pkf-Nsa president at kay sir Alberto Presincula, Pkf-Nsa vice pres”, pagtatapos ni Maestro Dante.

 

PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ATAC at AMA, sa isang mega strike sa Roma bukas

Italyano ang anak, maaari rin bang maging Italian citizen ang magulang?