Roma, Hulyo 7, 2014 – Sa pangunguna ng AFMAR Associazione dei Filippini in Musica e Arte a Roma at kolaborasyon ng PPCR Pinoy Photographers Club in Rome ay ginanap ang kauna-unahang PHOTOSHOW dito sa Roma nitong Hunyo.
May kabuuang bilang ng 169 ang mga entries ang naglaban-laban sa 5 catogories: street photography, macro, open, portrait at landscape.
Sa maikling pagbalik tanaw ni Fr. Morrel Querikiol, ang founder ng PPCR, ay sinabing malaki ang naitulong ng social network sa paglaki ng grupo. Kasabay ng pagdami ng mga miyembro na dapat sana’y taga-Roma lamang, ay nagkaroon na rin ng mga miyembrong buhat sa ibang rehiyon ng Italya at maging ibang bansa. Sa katunayan, sa kasalukyyan ay umabot na sa 1566 ang mga miyembro nito. Naging mabilis din ang artistic development ng mga miyembro. Salamat sa mga workshops at photowalk ng grupo. Nag-imbita rin ng mga professional photographer upang makatulong sa patuloy na pag-aaral ng mga ito. Sa katunayan, marami na sa grupo ang nagbibigay serbisyo sa mahahalagang okasyon tulad ng kasal, binyag at iba pang okasyon.
“Naging pagkakataon rin ito upang magkaroon ang mga miyembro ng extra income, bukod sa pagiging passion”, dagdag pa ni Fr. Morrel.
Ayon sa mga hurado na sina Stefano Romano at Claudio Salviano, hindi naging madali para sa kanila ang pumili dahil lahat ng sumali ay mahuhusay ang subject at magagaling at tila propesyunal na. Sa katunayan, mahaba-habang oras ang iginugol ng mga ito upang makasigurado sa pagpili ng mga magwawagi.
Bukod dito, angkop na angkop ang venue sa photoshow. Naging sapat ang liwanag na hatid ng mga salamin na lalong nagpatingkad sa husay ng mga entries.
Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ng araw na iyon ay ganoon din katindi ang hirap sa patimpalak. At upang bumaba ang tensyon, ilang banda tulad ng Sinagtala band, Feedback band at Vintage Assassin ang inanyayahang magbigay ng awitin at musika sa mga dumalong panauhin at mga partesipante sa contest. Naging panauhin rin ang CH Crew dancer, si Claudine Bergantinos at ang mga bulilit ng Little Filipino/Filipina models.
Ang mga nagwagi ay ang sumusunod:
STREET PHOTOGRAPHY
1ST-EMERSON JOEY CLARO
2ND-VONZ SOLIS
3RD-ELY CRIS DALA
MACRO
1ST-VONZ SOLIS
2ND-RHEYMAR MAGSINO
3RD-KEAN AQUINO
OPEN CATEGORY
1ST-JOHN GERVACIO
2ND-BUSHE DELA CUESTA
3RD-ELMER ALCAYDE
PORTRAIT
1ST-EMEL GONZALES
2ND-AURTENCIANO MIRANDA JR
3RD-RHEYMAR MAGSINO
LANDSCAPE
1ST – DANIELE SERAFINI
2ND-JOHN GERVACIO
3RD-MICHAEL VILLARUZ
Para sa karagdagang mga larawan, i click lamang ang link.